NAGHAIN na rin si dating Senador Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ng kanyang kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) para sa May 9, 2022 presidential elections sa layuning maibalik ang ‘unifying leadership’ sa bansa.
Bago magtanghali nang magtungo sa tanggapan ng Comelec sa Harbor Garden Tent ng Hotel Sofitel sa Pasay City si Marcos na tatakbo sa pagka-pangulo sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP).
Walang funfair ang ginawang paghahain ni Marcos ng kandidatura, kasama ang kanyang maybahay na si Atty. Louise Marcos, at dalawang anak na sina Ferdinand Alexander at Joseph Simon.
Ang paghahain ng COC ay ginawa ni Marcos, isang araw matapos niyang ianunsiyo ang planong lumahok sa presidential race sa susunod na taon nitong Martes.
Bago naman ang kanyang anunsiyo, nanumpa rin si Marcos bilang bagong miyembro at chairman ng PFP nitong Martes.
“I am today announcing my intention to run for the Presidency of the Philippines in the upcoming May 2022 elections. I will bring that form of unifying leadership back to our country. Join me in this noblest of causes and we will succeed. Sama-sama tayong babangon muli,” ani Marcos.
“Hangad kong ibalik ang mapagkaisang paglilingkod na magbubuklod sa ating bansa. Tayo’y magkaisa at sama-sama tayong babangon mula sa hagupit ng pandemya, babangon mula sa paglulugmok ng ating ekonomiya,” aniya pa.
Sinabi ni Marcos na ang global pandemic ang siyang nagturo sa mga Pinoy na kailangan natin ang isa’t isa sa panahong ito ng pandemya.
“We must face the challenge as one, as one country, as one people. Together we must work towards a shared vision of our country through COVID and beyond COVID to find a way through this crisis with a common goal of vision to guide us and to lead us,” aniya pa.
“I know that it is this manner of unifying leadership that can lead us through this crisis,” aniya pa.
Nangako rin si Marcos na sa sandaling maluklok sa posisyon, ibabalik niya ang mga tao ng ligtas sa trabaho upang makapamuhay silang muli ng maayos.
“Let us bring Filipinos back to one another in service of our country facing the crisis and the challenges of the future together. Sama-sama tayong babangon muli,” aniya pa. ANA ROSARIO HERNANDEZ
Comments are closed.