NANANAWAGAN si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa pamahalaan na hulihin at magkaroon ng kampanya laban sa mga nagsasamantala at nagbebenta ng mahal na COVID-19 drug na Tocilizumab.
“Dapat lang na hulihin ang mga taong ito na gagawa pang magsamantala sa kapwa sa panahong ito na may pandemya. Mga taong walang konsensya at baluktot ang pag-iisip lang ang nakakagawa ng ganito,” ayon sa pahayag ni Marcos.
Matatandaan na ang presyo ng Tocilizumab, isang gamot para sa mga may severe case ng COVID-19 ay tumaas o dumoble nitong nakaraang linggo dahil na rin sa pagdami ng nangangailangan nito dahil pa rin sa patuloy na pagtaas ng kaso na tinatamaan ng nasabing virus.
Sa buy-bust operation na isinagawa ng National Bureau of Investigation (NBI) kamakailan, nabunyag na ibinebenta ng sindikato ang naturang gamot sa halagang P97,000 o apat na beses na mas mataas sa presyo nito na P20,581.
“Ang unang dapat gawin ay bumuo ng isang special task force na binubuo ng mga representatives mula sa PNP, NBI, DTI at DOH upang matutukan ang pagtugis sa mga profiteers,” ani Marcos.
Dagdag pa ni Marcos na dapat ding masolusyunan ang kakulangan ng supply ng Tocilizumab sa bansa.
“Ang puno’t dulo nito ay ang shortage sa supply ng Tocilizumab. Kung mareresolba ito agad maiiwasan nating mapunta sa desperadong sitwasyon ang mga pasyente at ang kanilang pamilya na napipilitang bilhin ang ubod ng mahal na gamot na ito,” dagdag pa ng dating senador.
Ayon sa batas, ang sino man na mapapatunayan na pinagkakakitaan ang pagbebenta ng gamot ay posibleng pagmultahin ng P5,000 hanggang P1 milyon o kaya ay pagkakulong ng isa hanggang 10 taon, depende sa desisyon ng korte.
824893 968871hey there i stumbled upon your internet site searching about the web. I wanted to say I enjoy the appear of things around here. Keep it up will save for sure. 248942