SA muling pagbubukas ng klase sa ika-13 ng Setyembre sa pampublikong paaralan, nagpahayag ang dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos na umaasa siyang ang modules ng Department of Education na gagamitin sa paaralan para sa blended learning ay error-free na.
Nananatiling pang-online at printed ang learning materials na ginagamit ng DepEd na siyang educational instruction para sa School Year 2021-2022 habang tumataas pa ang bilang ng kaso ng Covid19 sa bansa.
Giit ni Marcos, napakaraming reklamo ang mga mag-aaral mula sa mga modules na ginagamit na puno ng mga mali noong nakaraang unang taon ng paggamit nito dahil nga may pandemya kung kaya’t nagbunga ito ng pagbaba ng kalidad ng edukasyon sa bansa.
“Hindi na nga sila natututo nang husto dahil sa mga problema sa internet connectivity at distractions that they may have to contend within their homes, kung ‘yung mga modules na nagsisilbing textbooks nila, eh, mali-mali pa, aba’y lalong hindi matututo ang ating mga kabataan,” pagbibigay-diin ni Marcos.
Isang Undersecretary ng DepEd ang umamin na mula Oktubre 2020 hanggang Hunyo 2021, may naitalang 163 mali sa learning materials na ginamit noong nakaraang taon.
Sa mga naitalang mali sa learning modules, 155 lamang ang umabot sa proseso ng validation ayon sa DepEd.
Sana ay bumuo ng committees ang DepEd na magre-review at mage-edit ng learning modules para ito ay maayos ang pagka-kasulat at wala ng pagkakamali katulad noong nakaraang taon.
Kabi-kabilang batikos ang tinanggap ng DepEd mula sa mga learning modules na ginamit na hindi pinahalagahan ang grammar, logic at consistency.
Ito naman ay dinepensahan ng DepEd na karamihan sa mga may kamalian sa learning modules ay sa regional.
“Kahit pa sa mga region ginawa ‘yung mga learning materials, dapat merong komite na nagre-review sa mga ito. Paano magiging educational materials ‘yung mga modules kung mali-mali? Dati sa textbooks, meron nang ganyang issue, wag naman na sanang maulit dahil kawawa ang mga bata,” sabi ni Marcos.
169802 989951Finding the right Immigration Solicitor […]below you will locate the link to some web sites that we believe you must visit[…] 867958
281068 3313I take excellent pleasure in reading articles with quality content material. This article is one such writing that I can appreciate. Maintain up the great function. 607368
294124 227136really great post, i undoubtedly adore this internet site, maintain on it 631931
916129 717984Just wanna comment which you have a quite nice internet web site , I enjoy the style it truly stands out. 945906