MARAMING partido pulitikal, sectoral movements at grupo ng kabataan ang nagpahayag ng masidhing pagsuporta sa kandidatura sa pagkapangulo ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. na nag-anunsiyo ng kanyang pagtakbo sa pinakamataas na puwesto sa halalan sa Mayo 2022.
Bago ang opisyal na pahayag, nanumpa si Marcos bilang kasapi ng Partido Federal ng Pilipinas at uupong chairman ng tatlong taon nang partido pulitikal na hinahangaan ng dating senador dahil sa commitment nito sa serbisyo publiko kaysa sa politika.
“I have great admiration for this party… for the work that you have been doing… because you have been really focusing not so much on politicking… rather you have been focusing on public service… and these you have done quietly without expectation of a reward and recognition, but only to satisfy your own commitment to public service,” sabi pa ni Marcos.
Idinagdag nito na tinanggap niya ang pag-endorso ng PFP at multi-sectoral groups na maging standard-bearer sa 2022 elections matapos nitong makumpleto ang proseso ng konsultasyon sa kanyang grassroots leaders.
“As I speak to you today, our beloved Philippines faces one of the greatest tests in history. The global pandemic destroyed the lives of people… of communities. And if we have learned anything in this time of Covid pandemic, it is that each of us, no matter our station in life, needs the help of our fellow Filipinos.”
“We must face this challenge as one… as one country… as one people. Together we must work towards a shared vision for our country through Covid and beyond Covid… to find a way through this crisis with a common goal, a vision to guide us and to lead us,” pagpapatuloy nito.
“Hangad kong ibalik ang mapagkaisang paglilingkod na magbubuklod sa ating bansa. Tayo’y magkaisa at sama-samang babangon mula sa hagupit ng pandemya… babangon mula sa pagkalugmok ng ekonomiya.”
“That is why I am announcing here today my intention to run for the Presidency of the Philippines in the coming May 2022 elections. I will bring that form of unifying leadership back to our country. Join me in this noblest of causes and we will succeed. Sama-sama tayong babangon muli,” ang pahayag pa ni Marcos.
Sinabi naman ni Atty. Victor Rodriguez, PFP’s executive vice president and general campaign manager for the 2022 elections, matapos ang pina-kahihintay na deklarasyon ni Marcos, dumagsa ang maraming pagpapahayag ng pagsuporta at pag-endorso sa kandidatura nito mula sa ibang partido pulitikal at sectoral groups… “from the Solid North in varied age groups down to the United Visayans and the Solid South,” anang abogado.
Bukod sa PFP na nagsilbi bilang ‘lead car’ sa convoy ng supporters, inisa isa rin ni Rodriguez ang ilang voting blocs at fraternal organizations na Kilusang Bagong Lipunan, Partido Lakas ng Manggagawang Pilipino, Labor Party of the Philippines, Partido Federal Youth, Solid Bongbong for President Worldwide Movement, Police Hotline Movement, Inc., Maunlad na Pilipinas Movement hindi mabilang na Youth Supporters at Senior Citizens organizations sa buong mundo.
“BBM’s support base extends now to the grassroots level in the Visayas, where his mother’s family holds strong influence with the local politicians and Mindanao, where the PFP maintains a stronghold because its party president, Reynaldo S. Tamayo, Jr., is the incumbent governor of South Cotabato,” ani Rodriguez.
Dagdag pa nito: “Though the strength of the Marcoses originates in the Ilocandia provinces where his father had invested heavily in local politics by introducing enormous developments in the region and developing rapport with the local leaders.”
Ayon pa kay Rodriguez, dahil binago ng pandemya ang pangangampanya ng mga kandidato, mas tiwala ang BBM camp na ang kanyang kakayahan sa pagkapangulo ay makita sa pamamagitan ng iba`t ibang mga platform ng social media ng kanyang grupo ng kabataan na mga internet savvy.
Patuloy na pumapangalawa si Marcos kay Sara Duterte sa mga survey para sa presidential preference kasama ang Setyembre 6-11, 2021 na voter’s survey na isinagawa ng Pulse Asia.
238079 331589Its difficult to get knowledgeable men and women within this subject, even so, you appear to be guess what happens youre dealing with! Thanks 204831