BONGBONG SWATS TONI GONZAGA’S ONLINE BASHERS

Ipinagtanggol ni dating Sen. Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ang celebrity host na si Toni Gonzaga sa mga online bashers matapos ilabas nito ang kanyang interview.

Sa panayam ni Erwin Tulfo sa kanyang radio program noong Biyernes, sinabi  ni Marcos na nasorpresa siya sa matinding reaksyong inabot ni Toni kahit pa may reputasyon ito ng pagiging neutral at professional na host.

“Nagulat ako. Bakit naman inatake si Toni, ginagawa lang niya ang trabaho niya,” ani Bongbong. “She is a vlogger. Lahat naman ini-interview niya. Wala naman siyang pinipili. Kung tignan mo yung ini-interview niya, iba-iba. Sa akin lang may reaction na ganyan.”

Binigyang diin ni Marcos na ang tangkang panini­ra kay Toni ay nag-backfire dahil sa gitna ng pangu­ngutya at panlalait sa kanya, umani ang kanilang episode ng mahigit 200,000 likes at lumobo pa sa 100,000 ang kanyang subscribers.

“Mukhang kokonti lang naman at wala namang nag-agree sa kanila dahil nung kina-cancel siya, ang likes ng kanyang FB live ay 10,000 pa lang. Nung inum­pisahan siyang i-cancel, dumami, naging 200,000 plus. Kaya’t nakita natin na suportado siya sa kanyang ginagawa. Pati yung subscribers niya dumami ng isandaang libo,” dagdag pa ni Marcos.

Ang cancel culture ayon sa Merriam-Webster dictionary ay, “a mass withdrawal of support from public figures or celebrities who have done things that aren’t socially accepted today. Also known as mass shaming, it often occurs on social media platforms such as Twitter, Instagram or Face­book.”

Pinuri rin ni Marcos ang kahusayan ni Gonzaga sa pagho-host na angat sa mga kakumpitensyang journalist. Ayon pa sa da­ting senador, ang pangunahing dahilan mahusay si Toni ay dahil masarap siyang kausap at nakakalimutan mo tuloy na interview pala ito.

“May grupo naman talagang ganyan na kahit anong sabihin ng Marcos ay babatikusin nila yan. Yung iba diyan, yan ang trabaho nila eh. Kasama yan, pero bakit niyo naman inaano si Toni Gonzaga? She’s a Vlogger, she’s not a journalist although, I have to say, she does a better job than some of the journa­lists. Ang galing niya talagang makakuha ng impormasyon, ng background, ng kuwento na hindi nakukuha ng iba. Magaling talaga siya kasi ang sarap kausap eh,” ani Marcos. “Are they responsible? Are they looking for the truth as much as Toni Gonzaga was? I don’t know. You cannot dictate to her kung ano ang content ng channel niya. Eh channel niya yan. Her channel, her rules. Mayroong nag-quote sa akin, sinabi ko Do not let your hate overwhelm your humanity and this is a perfect example. Ang habol nga natin magkaisa dahil nasa gitna tayo ng krisis,” dagdag pa niya.

Binatikos rin ni Marcos ang mga kritikong nag-aakusa sa kanya ng historical revisionism lalo na sa paglalarawan ng kanyang ama na si dating Pangulong Ferdinand Marcos.

“Kung ayaw niyo yung sinasabi ko huwag niyo akong panoorin. Wala naman akong sinasabing kasinungalingan eh. Marami silang sinasabi, alam kong kasinungalingan. Huwag silang magsasabi sa akin kung ano ang experience ko sa Tatay ko, siguro sob­ra naman yun. That is my experience with my father. Yan ang katotohanan. People who were close to him will attest to his character na ganun talaga. The peddling of hate, what do we get from that?” ani Bongbong. “Ang habol natin ngayon ay pagkaisahin nga ang bansa para harapin ang pandemya, ekonomiya, yung mga nagkakasakit. Kailangan naman talaga tayong magtulungan imbes na paghiwa-hiwalayin tayo,” pagtatapos niya. — KAYE NEBRE MARTIN

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *