BONGBONG TINIYAK SA SUPPORTERS NA KARAPAT-DAPAT SIYANG TUMAKBONG PRESIDENTE

PINABULAANAN ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr ang mga haka-haka na  posibilidad na madiskuwalipika siya kasabay ng pahayag na:  “lahat ng ebidensya at legal na argumento na hawak natin  ay malinaw na nagpapakita na ang petisyon laban sa aking kandidatura ay walang iba kundi basura.”

Personal na naglabas ng pahayag si Bongbong  upang tiyakin sa kanyang milyon-mil­yong tagasuporta   na ang kanyang laban para pagsilbihan ang sambayanang Pilipino sa ilalim ng nagkakaisang pamumuno ay walang kapintasan at malalampasan ang  mapanlinlang na propaganda.

“Kahit alam ko na ang petisyon ng mga taong ayaw umusad ang bansa sa pag-asenso ay sadyang walang kwenta, pinaghahandaan pa rin ito ng aming mga abogado,” pahayag ni  Bongbong, na nangunguna sa lahat ng  surveys para sa presidential preference.

“I’ve personally seen the documents for our defense and I’ve personally discussed them with our legal team who, along with some reputable and respectable legal experts, concluded without doubt that the petition to delist my name from the roster of applicants for the presidency is without merit and has no legal basis.”

Ang tinutukoy ni Bongbong ay ang  legal views na inihayag sa publiko ni dating Justice secretary at Ate­neo law expert Alberto Agra at UST faculty of law dean Nilo Divina na parehong naniniwala na walang basehan ang petisyon laban dito.

“The attempt to stop Marcos, Jr. from joining the  2022 presidential race is like to fail,” ayon kay  Divina,  “Ang petisyon ay tiyak na mababalewala kapag nasuri ng Comelec dahil ito ay mukhang may depekto sa anyo at  hindi sapat ang legal na batayan upang makuha ang ninanais na paghatol nito.”

Ayon naman kay  ex-DOJ chief Agra sa isang  radio  interview: “there is no legal ground to cancel the CoC of Marcos, Jr.” Wala aniya itong legal basis at malabong umusad.

Ipinaliwanag ng  Ateneo law professor na malinaw na nakasaad  sa Omnibus Election Code na si  Marcos, Jr. ay  qualified na tumakbo sa pagka presidente dahil wala itong pagkukulang sa kanyang isinumiteng  CoC, katulad ng sinabi ng petitioner.

“Kaya nananawagan ako sa aking supporters at sa buong sambayanan na panatilihin natin ang pananalig na hindi magtatagumpay ang baluktot na hangarin laban sa aking pagtakbo, at patuloy nating ipaglaban ang karapatan ng mamamayan para sa malayang pagpili ng mga napupusuang nilang kandidato sa darating na halalan,” madamdaming pahayag ni Bongbong.