PORMAL na inianunsiyo ng mga miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas (PFP) ang kanilang pag-endorso para sa kandidatura sa pagkapangulo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa ginanap na National Convention sa Tupi, South Cotabato, nagpasa ng resolusyon ang Partido Federal ng Pilipinas (PFP) na nag-eendorso kay Marcos bilang presidential candidate para sa halalan sa Mayo 2022.
Ayon kay PFP General Council Attorney George Briones, ang pag-endorso kay Marcos ay ginawa matapos na makipag-usap ang mga miyembro nito na nagnanais na kanilang presidential candidate para sa 2022 national elections ang dating senador.
“Ipanalangin po natin si Senator Bongbong Marcos para makagawa siya ng tamang desisyon dahil ‘di po madaling tumakbo na presidente ng Pilipinas lalo na sa panahon ngayon,” ayon kay Briones.
Kahit minsan pa lang nakaharap, nilarawan ni Briones si Marcos na matalino, edukado, mapagkumbaba, hindi bastos magsalita, at may sense of humor.
“Lahat kami may notebook, may fountain pen, sumusulat po kami. Siya (Bong Bong) din meron, pinag-aaralan niya ang Partido Federal ng Pilipinas,” ayon pa rito.
Sinabi ni Briones kay Marcos sa nasabing pulong na ang PFP, dahil tatlong taon pa lamang bilang partido pulitikal kumpara sa mas matandang mga pampulitikang partido sa bansa, ay hindi kasangkot sa anumang katiwalian o mga kasong kriminal kaya wala itong tinatawag na “excess baggage.”
Ang PFP ay national political party na inaprubahan ng Commission on Elections (Comelec) noong 2018 na may 1.5 milyong miyembro sa buong bansa. Nasa 300 sa kanilang mga miyembro sa iba’t ibang lugar sa bansa ang nanalo sa 2019 elections.
Sa kabila ng pagiging bagong partido, matatag na ito sa Mindanao hanggang sa antas ng munisipal.
Plataporma ng partido ang magkaroon ng drug-free, insurgency-free, corruption-free at poverty- free society.
Habang isinusulat ang balitang ito, ang posisyong chairman ng partido ay nananatiling bakante sakaling magpasya si Marcos na manumpa bilang miyembro ng Partido Federal ng Pilipinas.
“Kung mag-decide si Senator Bongbong Marcos na sumapi sa Partido Federal ng Pilipinas and he will take his oath as a member of PFP, tatawag po tayo ng another national convention bago po matapos ang buwan ng September where he will be nominated as the official candidate of the PFP for president,” dagdag pa ni Briones.
646383 560742Thank you for writing this tremendous top quality article. The details in this material confirms my point of view and you actually laid it out effectively. I could never have written an article this great. 888620
68868 748595Nice blog right here! Also your website loads up very fast! 255228
702561 38377Often the Are generally Weight reduction program is unquestionably an low-priced and flexible weight-reduction strategy product modeled on individuals seeking out shed some pounds combined with at some point maintain a far healthier your life. la weight loss 507848
186375 315835I genuinely enjoy looking via on this internet internet site , it holds superb articles . 934278