IPINAGLAABAN ng ilang historians tulad nina Milagros Guerrero, Emmanuel Encarnación, Ramón Villegas at Michael Charleston Chua na dapat ay kilalanin si Andres Bonifacio bilang Unang Pangulo ng Pilipinas sa halip na si Emilio Aguinaldo. Binigyang diin nilang hindi lamang lider ng Katipunan si Bonifacio kundi nagtatag din siya ng revolutionary government sa pamamagitan ng Katipunan mula 1896 hanggang 1897, bago pa natatag ang gobyernong pinamunuan ni Aguinaldo na natatag lamang sa Tejeros Convention.
Sinulat ni Guerrero na konsepto ni Bonifacio ang bansang tinatawag na Haring Bayang Katagalugan (“Sovereign Tagalog Nation”) na nilansag ni Aguinaldo. Sa mga dokumento bago pa ang Tejeros at ang First Philippine Republic of 1899, tinatawag si Bonifacio na pangulo ng “Sovereign [Tagalog] Nation” at ng “Tagalog Republic.”
Dahil ethnic group ang mga Tagalog at masasabing ang republikang itinatag ni Bonifacio ay para lamang sa Tagalog region ng Luzon, kumpara sa republika ni Aguinaldo na nakakasakop sa Luzon, Visayas, at Mindanao, nagkaroon ng pagdududa sa pagiging unang pangulo ni Bonifacio.
Sa kanyang journal, sinabi ni Emilio Aguinaldo at ng iba pang tao ng Magdalo na si Bonifacio ang pinuno ng Magdiwang, na may titulong Harì ng Bayan (“King of the Nation”) kasama si Mariano Álvarez na second-in-command. Suhestyon ng mga historians tulad nina Carlos Quirino at Michael Charleston Chua, nagkaroon ng hindi pagkakaintindihan at misrepresentation sa titulong Haring Bayan (“Sovereign Nation”) na batay sa konsepto ni Bonifacio ay ang bansa mismo, kaya ang kanyang totoong
titulo ay Pangulo ng Haring Bayang Katagalugan (“President of the Sovereign Tagalog Nation”), na pinaikling Pangulo ng Haring Bayan
(“President of the Sovereign Nation”). Kinikilala ni Santiago Álvarez, anak ni Mariano Alvarez, ang pagkakaiba ng Magdiwang government at Katipunan Supreme Council na pinamumunuan ni Bonifacio.
Ani Chua, gumulo na ng gumulo ang isyu ng Unang Pangulo sa paglipas ng panahon, kung saan si Bonifacio ang kinikilalang “Ang Supremo” na ang ibig sabihin ay “The Supreme Leader”, kaya raw isa siyang dictatorial o ambisyosong monarchist na tutol sa demokrasya at republika.
Sa totoo lang, ang “Supremo” ay pinaikling Presidente Supremo – na translation ng titulo ni Bonifacio sa Katipunan sa Tagalog na, Kataas-taasang Pangulo (Supreme President) – at base sa mga natitirang dokumento, pangulo ang tawag ni Bonifacio sa kanyang sarili at hindi “Supremo.” Ani Chua:
“…even inside the Katipunan, Bonifacio struggled to make people understand his concept of the Haring Bayan not as an individual or a King, but as something else… Haring Bayan really meant the King, or the power, is the people (Haring Bayan), which is basically “The Sovereign Nation”…
Kaya nang pumirma siya bilang Pangulo ng Haring Bayan noong 24 August 1896, ibig sabihin, intensyon niyang maging president ng national revolutionary government, na naglalayong maging demokrasya. — LEANNE SPHERE