MAAGANG ipinalabas ng Philippine National Police (PNP) ang P7,988,196,040.32 yearend bonus para sa may 215,571 PNP personnel na layong maitaas ang morale at makapag-deliver ng magandang performance.
Ito ang kinumpirma kamakailan ni PNP Chief Gen. Debold Sinas na kung saan ay naipamahagi na ito sa mga kawani ng pulisya.
Aniya, maaari ng makuha ng mga pulis ang kanilang bonus anumang oras.
“The PNP thru the Finance Service has rolled-out P7,988,196,040.32 to pay for the 2020 Yearend bonuses and cash gift of 215,571 PNP personnel,” ani Sinas.
Gayunpaman, nilinaw ni Sinas na tanging mga kuwalipikadong PNP personnel lamang ang makatatanggap ng yearend bonus at hindi ang mga may kaso o mga suspendidong pulis o personnel.
“Payment of bonus is deferred for personnel with administrative cases, especially those serving suspension,” giit ni Sinas. EUNICE CELARIO
Comments are closed.