KINABOG ng matinong lenten special ng Eat Bulaga ang It’s Showtime. Base sa AGB NUTAM last April 17, Miyerkoles Santo, malaki ang lamang ng Lenten Special ng Eat Bulaga! na pinamagatang “Ikigai” sa Lenten Special ng It’s Showtime.
7.7% ang nakuhang rating ng Eat Bulaga!, samantalang 5.9% lang ang It’s Showtime na tinalo pa raw ng Dragon Lady na nakakuha ng 6.4%.
Last April 21 naman, Easter Sunday, kapansin-pansing ang nag-rate lang sa mga programa ng GMA-7 ay ang Kapuso Mo, Jessica Soho na may 15.8%, at 6.8% lamang ang Rated K.
Pa’no naman, the whole day ay hindi umere ang Siyete dahil mas pinaboran yata ng TV Plus ang kanilang show (Idol Philippines) na nag-premiere that evening with a very impressive rating of 12.5% as against the 7.1% of the Studio 7.
Predictably so, sa Kantar Media ay 30% ay nakuhang rating ng show nina Vice Ganda at Regina taba.
Regina taba raw, o! Hahahahaha!
But here’s the rub, kinabog ng Boobay and Tekla Show (5.7%) ang show ni Vice na Gandang Gabi Vice na nakuha lamang ng 3.9%.
MAY ILUSYON NA RING YOUNG ACTRESS, NAGTAGO SA MAGANDA AT KONTROBERSIYAL NA AKTRES!
HINDI at home ang sikat na young actress sa presence ng maganda at mahilig sa kontrobersiyang aktres that she was given the chance to work with in one primetime teleserye a few years ago.
Wala namang ginawang masama ang mature but still pretty actress sa batang aktres but the latter was not at ease with her presence.
Bagama’t generations apart ang dalawa, nagkikita-kita pa rin sila sa ibang sosyalan at lately nga, rito sa sosyal na beauty and skin care clinic na pag-aari ng isang madam na may edad na pero eskalera pa rin ang ganda. Hahahahaha!
Typical of the young actress, she was in the company of her mom who happens to be a fixture wherever she goes.
They were about to the leave the clinic, when the young actress overheard the voice of the mature actress who was then in the company of her amigas.
Hinila ensegueda ni young actress ang kanyang mother dear at may-i-hide sila sa kurtina.
Nang makalampas na ang class at maganda pa ring aktres, escape to victory na ang mag-ina. Hahahahaha!
Bakit kaya ilag at mailap ang young actress sa pretty pa rin pero slightly mature ng aktres?
Could it because she was intimated with her classy stature and bearing or she finds her somewhat cheap?
Sa ngayon, hindi na gaanong active sa show business ang regal matrona pero part pa rin siya nang kalakaran ng showbiz dahil sa involvement niya sa mga intriga.
As a matter of fact, ang dalawang artista na kapamilya nito ay parehong sweet sa young actress in the few occasions that they at-tended.
Suffice to say, may ilusyon na rin kasi ang sikat na young actress na parang palaging may sipon kapag nagsasalita at sobrang inlababu sa kanyang morenong papey na ang sabi ay may intimate involvement na ang dalawa. May Intimate involvement na raw, o! Hahahahahahahaha! Meron na nga ba?
Malaysia at Pakistan! Bwahahahaha!
Follow me at my Twitter Account Pete Ampoloquio, Jr. Ito ‘yung may profile pic na kasama ko si Alden Richards.
And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!
Comments are closed.