BAGO natapos ang grand presscon ng “The Boobay and Tekla Show” ay may pahabol na tanong si Manay Ethel Ramos sa dalawang komedyante.
Tanong kina Boobay at Tekla kung paano sila nagsimula at kung sino ang nag-udyok sa kanila para pasukin ang showbiz?
Hindi naiwasan ng dalawa ang maiyak habang ikinukuwento ang kanilang pinagdaanan bago nagkapangalan.
Ani Boobay, si Direk Cosme ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon para maging isang komedyante. Nag-aaral siya noon at nakita ni Direk Cosme ang istilo niya sa pagpapatawa kaya binigyan siya ng pagkakataon na mapasama sa isang show sa GMA 7.
“Si Direk Cosme po talaga ang nagbigay sa akin ng pagkakataon na makapasok ang showbiz. Siya po ang nagtulak sa akin, kaya ako nandito ngayon at nagpapatawa.
“Natigil ako sa showbiz sandali para tapusin ang aking pag-aaral at nang matapos ako ay kinontak ako muli ni Direk at isinama sa Takeshi show ni Joel de Leon at doon na nagsimula ang aking showbiz career,” tsika ni Boobay.
Si Tekla naman ay nakatira at lumaki sa bundok sa North Cotabato. Mula pagkabata hanggang sa sumapit siya ng 16 years old ay lumaki siya siya sa walang ilaw sa kanilang lugar dahil bundok nga.
“Walang ilaw sa aming lugar, bundok kasi. Nangarap akong makakita ng ilaw kaya nagdesisyon ako na bumababa ng bundok, kesehodang walang tiyak na pupuntahan. Basta ang nasa isip ko lang that time ay makalayo at makipagsalaparan kung saan man ako mapadpad.
“Napunta ako ng Manila at natutulog sa kalye. Nagpunta ng comedy bar at doon ay nabigyan ng pagkakataong magpatawa. Pero hindi rin nagtagal dahil hindi naman ako talaga bakla.
“Tapos nabalitaan ko nga naghahanap ng komedyante si Kuya Willie (Revillame). Gustong-gusto ko pero natakot ako kasi baka hindi ako magustuhan. Apat na beses ko tinanggihan. Pero dahil na rin sa paghahangad kong kumita, sa ikalimang pagkakataon ay lakas loob akong nagpunta sa show,” tsika pa ni Tekla.
“Nang matanggal ako sa show ni Kuya Willie, dumanas ako ng depression. Nandoon natutulog ako sa kalye at binalak ko na lang uli bumalik ng bundok. Ang hirap (dito na siya napaiyak),” patuloy pa ni Tekla.
Biglang dumating naman ang offer ng show na pagsasamahan nila ni Boobay. Isang online na kanyang kaagad tinanggap dahil kailangan niya ng trabaho. Isang taon na ang online show nila ni Boobay at ngayon nga ay isasa-telebisyon na ito sa GMA 7.
Alam nila nina Boobay at Tekla na isang pader na show ang makatatapat nila sa TV, ang Gandang Gabi Vice, every Sunday ay hindi raw nila inisip na ang kanilang The Boobay at Tekla Show ay ginawang pantapat sa TV show ni Vice.
“Ang sa amin naman ay trabaho lang at hindi namin inisip na tapatan ang TV show ni Vice. Pader ang tatapatan pero hangarin rin namin na magpatawa at magpasaya ng tao,” say nina Boobay at Tekla.
SHARON CUNETA NA-BASH, ‘DI RAW BAGAY MAGING MUSE SA PBA
ANG daming bash ang ibinato kay Sharon Cuneta sa pagmu-muse nito ng Magnolia sa ginanap na opening ng Season 44 ng PBA last Sunday. Kesyo hindi raw bagay na muse ang Megastar at kung ano-ano pang isyu.
Pagtatanggol naman ng owner ng Magnolia, si Sharon ay endorser ng Magnolia ice cream kaya may karapatan itong maging muse ng kanilang PBA team.
Kung sabagay ay hindi na ito pinatulan ni Sharon at dinedma na lang ang pamba-bash sa kanya. Sa in-terview nga sa Megastar ay sinabi nito, “Nothing. They don’t mean anything to me.”
Comments are closed.