BOOK LOVERS AT READERSHIP RATE TARGET NG PHILIPPINE BOOK FESTIVAL

Philippine Book Festival

UPANG mapataas ang antas ng bilang ng mahilig magbasa o book reader, ikakasa ang Philippine Book Festival mula April 25 hanggang April 28, 2024 sa World Trade Center Manila sa Pasay City.

Layunin nito na  mahikayat ang mga Pinoy, anuman ang edad at estado sa buhay na patuloy na magbasa at mabigyan ng halaga ang mga libro ng isinulat ng mga Pinoy upang maipagmalaki ang panitikang Pilipino.

Ang ikinakasang Philippine Book Festival ay pinakamalaking book fair habang inaasahang lalahok ang mga book publisher kasama na ang industriya ng komiks.

Kumpiyansa naman si Charisse Aquino-Tugade, executve director ng National Book Development Board (NBDB) na lalahok sa nasabing book fair ang 169 exhibitors.

“Were gonna have more than 160 exhibitors, hundred of programming for everyone for lolo and lola, ‘yung magka-date, for children, for families, and it would be real trade for everyone,” ani Aquino-Tugade.

Kumpiyansa ang NBDB na magugustahan ng mga kabataan ang Kidtopia kung saan bida ang reading materials at iba pang fund activities.

Tiyansa rin ng mga book lovers na makapagpapirma sa mga author dahil magkakaroon ng book signing, meet and greet at  workshops sa pinakamalaking book fair sa bansa.

Samantala, kumpiyansa naman si NBDB Chairman Dante S. Ang III na nakatulong ang kanilang proyektong paglalagay ng Book Nook sa iba’t ibang bahagi ng bansa lalo na sa Mindanao kung saan batay sa survey ng Sccial Weather Station ay mayroong mababang porsyento na mahilig magbasa.

EUNICE CELARIO