DAAN-DAANG Dabawenyo ang nanghahalukay ng kanilang paboritong libro na pambata at malawak na pagpipilian ng bestselling fiction at non-fiction na titulo sa best selling fiction at non-fiction na mga libro sa Big Bad Wolf (BBW) pagbubukas ng book sale sa The Tent ng Azuela Cove sa Lanang, Davao City.
Tuwang-tuwa ang mga tao pagkakita nila sa presyo na bumaba ng halos 90 porsiyento. Tulad halimbawa ng mga nobela, na mabibili ng kalahati sa original na presyo kompara sa ibang bookstores.
Sa kanyang mensahe na binasa ni Vice Mayor Bernard Al-ag, sinabi ni Mayor Inday Sara Z. Duterte na ang book sale ay napapanahon dahil nagsimula nang magdiwang ang siyudad ng Christmas season.
“For what better gift to give our children and loved ones, even ourselves, than the joy of reading,” sabi niya.
Sinabi pa ni Mayor Sara na ang mga libro ay nagsisilbing pintuan sa marami at iba’t ibang lalim ng ating imahinasyon — mula wonderlands hanggang treasure islands, mula sa puso ng karagatan hanggang sa kalawakan.
“Reliving a legend’s past in a biography, playing detective in a mystery, or discovering new details about our nation’s history, books invite us to live in other worlds and encounter experiences that ignite a gamut of emotions in us,” sabi niya.
Bukod sa pagpapabago ng reading comprehension at bokabularyo ng isang tao, sinabi ni Mayor Sara na nagbubukas ng kaisipan ng tao ang literatura sa walang katapusang posibilidad, “whether we are poring over a work of fiction and non-fiction, poetry or prose teaching us about the world and about ourselves in the process.”
Pinuri niya ang Big Bad Wolf book sale, at sinabi na ang kikitain ay ipang-popondo sa outreach programs ng Gawad Kalinga’s (GK).
PUBLIC LIBRARY
Sinabi ng BBW na magbubukas sila ng 24-hour public library sa siyudad ng Davao sa susunod na taong 2019, kauna-unahan sa Filipinas. Ito ay magkokomplimento sa kasalukuyang City Library at Mobile Library ng siyudad na napupunta sa mga malalayong lugar para tulungan ang mga bata lalo na pagdating sa pagsasaliksik.
Sinabi ni Al-ag na ang pagbubukas ng public library ay mahalaga dahil sa layunin ng siyudad na madagdagan ang pagbabasa ng mga kabataan.
“With the 24-hour public library, Dabawenyos will now have a place to spend their time reading,” sabi ng Vice Mayor.
Pinangunahan ni Al-ag, kasama ang kinatawan ng 2nd District Rep. Mylene Garcia-Albano, BBW founder Andrew Yap, Gawad Kalinga Executive Director Luis Oquineña, at ang MVMCEO Mari Oquineña ang pagbubukas ng book sale.
Nagpasalamat si Yap sa tagumpay ng unang araw ng book sale, na bukas ng 24 oras hanggang Disyembre 2.
Sinabi ni GK executive director Luis Oquineña na sa ilalim ng proyekto, ang mga tao ay makabibili at makapag-donate ng libro sa can purchase Gawad Kalinga.
Sinabi ni Oquineña na ang partnership sa BBW ay hindi lamang hanggang book sale “because we will be building 20 more libraries across Mindanao and the Visayas.”
Nagdala ang BBW ng isang milyong libro at non-fiction titles, kasama ang bihirang collections, ng iba’t ibang klasipikasy-on. PNA
Comments are closed.