NORTH COTABATO – KASAMANG nasunog ang 47-anyos na drayber at ang minamaneho nitong boom truck makaraang mahagip ang kable ng kuryente sa bahagi ng Purok 2, Barangay New Janiuay sa bayan ng Mlang ng nasabing lalawigan kamakalawa ng hapon.
Sa police report na naisumite kay P/Maj. Realan Mamon, police chief ng Mlang PNP, kinilala ang biktimang namatay na si Noel Ababa, may-asawa, at residente ng Purok B sa nasabing bayan.
Base sa ulat, pumaparada ang trak dahil ibaba ng drayber ang mga kargadong semento nang Masagi nito ang high-voltage na kable ng kuryente.
Dito umalingawngaw ang malakas na putok at biglang sumiklab ang apoy na gumapang sa boom truck kung saan hindi nakababa ang drayber na tuluyang nilamon din ng apoy.
Wala naman nagtangkang tumulong sa biktima dahil na rin sa takot na madamay na sunog at makuryente ng dulot ng kable habang patuloy naman ang imbestigasyon ng pulisya. MHAR BASCO
Comments are closed.