DAHIL sa dami ng pumipila, nagpasya ang pamahalaang lungsod ng Maynila na gawin nang 24-oras ang booster drive-thru caravan na kanilang inilunsad sa Quirino Grandstand nitong Huwebes.
Sisimulan ang 24-oras na booster drive-thru caravan nitong hatinggabi ng Enero 14.
Nauna rito, dapat ay mula alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon lamang ang naturang booster drive-thru caravan ngunit marami ang pumila rito at lumampas sa itinakdang hanggang 300 sasakyan lamang.
Agad itong sinolusyunan ng pamahalaang lungsod ang naturang isyu at ginawang 24-oras na ang naturang bakunahan.
Ginawa ang naturang desisyon matapos na tiyakin ni Manila Disaster Reduction Management Office chief Arnel Angeles at Manila Traffic and Parking Bureau head Dennis Viaje sa isang pulong na kaya nilang isagawa ang 24-hour booster vaccination. VERLIN RUIZ