BOOSTER SHOT NG COVID-19 VACCINE ITUROK NA SA MEDICAL FRONTLINERS, IMMUNOCOMPROMISED

masalamin logo

ETO na, sumulat na si dating Speaker Alan Peter Cayetano sa IATF kasama ang kanyang mga kaalyadong kongresista sa BTS o Back To Service na maturukan na ng booster shot ng bakuna laban sa COVID-19 ang mga medical frontliner ng ating bansa pati na ang may mga delikadong kalagayan dahil sila ay mga immunocompromised.

Sa kanilang sulat sa IATF, sinabi ni Cayetano, maging nina Cong. Lray Villafuerte, Ranie Abu, Dan Fernandez, Jonathan Sy Alvarado, Mike Defensor at Lani Cayetano na alam nilang kulang na kulang pa ang mga bakunang dumadating sa bansa at kailangan na ring mabakunahan ang iba nating mga kababayan ngunit importante at hindi dapat ipagwalang-bahala ang kaligtasan ng mga medical frontliner na siyang humaharap sa mga COVID patient, pati na rin ang mga immunocompromised.

Tama itong direksiyon na tinatahak ng grupo ni Cayetano dahil marami nang bansa sa buong mundo ang nagsimula nang magturok ng booster shot sa kaniilang mga medical frontliner at pati sa mga matatanda na may edad 60 pataas. Ang ibang bansa naman ay nagbabalak na ring gawin ito upang masiguro ang mas siguradong kaligtasan ng kanilang mga mamamayan.

Nag-umpisa nang magturok ng booster shot ang Indonesia, Thailand at Israel. Susunod na rin ang US, United Kingdom,France, Germany, China, Russia, Turkey, United Arab Emirates, Bahrain, at Singapore.
Kailangang maturukan ng booster shot ang ating mga medical frontliner dahil tagilid lagi ang kanilang buhay sa pag-aasikaso ng mga may COVID maging ng mga pasyenteng may ibang malubhang sakit.

Aba, kung hindi ito maaabatan, posibleng bumagsak at mawarak ang ating health system lalo pa ngayon na kabi-kabila ang reklamo ng mga nurse at iba pang medical frontliners dahil hindi nakatatanggap ng kanilang mga risk allowance at iba pang benepisyo na nakapaloob sa Bayanihan 1. ‘Di ba nga, balak na ng mga nurse na magprotesta at may balita pa na apat sa 10 nurse sa mga pribadong ospital ay nag-resign na dahil sa peligro ng kanilang trabaho.

Sa ngayon, 11.7 percent pa lamang ng mahigit 110M Pilipino ang fully vaccinated samantalang 14.8 percent naman ang nakatanggap na ng 1st dose. Sa Metro Manila, halos tapos na ang pagbabakuna sa San Juan, Marikina, Mandalayong at Pateros. Pagkatapos nito, handa na rin silang tumanggap ng vaccinees mula sa iba’t ibang lugar at kalapit na mga lalawigan. P45 bilyon ang nakalaan sa 2022 national budget para sa pagbili ng karagdagang bakuna para sa booster shots ngunit gagamitin lang daw ito kapag nabakunahan na ang mayorya ng ating mga kababayan.

Alam naman natin na hihina na ang efficacy ng bakuna laban sa COVID-19 batay sa mga pag-aaral pagkatapos ng anim na buwan. Kung inyong matatandaan, buwan ng Marso ngayong 2021 nag-umpisa ang pagbakuna sa ating mga medical frontliner kaya kailangan na nila ng booster shot para muling lumakas ang kanilang panlaban sa pandemyang COVID-19.

Kaya naman IATF, esep esep na rin ngayon pa lamang. Bigyan naman natin ng pagpapahalaga ang ating mga medical frontliner lalo na ngayong umaarya na sa bansa ang Delta variant at pagpasok na rin ng panibagong variant ng COVID-19, ang Lambda variant mula sa Peru na nararamdamaman na rin ngayon sa iba’t ibang panig ng mundo.

170 thoughts on “BOOSTER SHOT NG COVID-19 VACCINE ITUROK NA SA MEDICAL FRONTLINERS, IMMUNOCOMPROMISED”

  1. Read information now. earch our drug database.
    ivermectin oral
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything information about medication.

  2. Best and news about drug. Some are medicines that help people when doctors prescribe.
    mobic buy
    Everything information about medication. drug information and news for professionals and consumers.

  3. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Commonly Used Drugs Charts.
    zithromax 250 mg
    Read information now. Prescription Drug Information, Interactions & Side.

  4. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Generic Name. buy amoxicillin 500mg
    Comprehensive side effect and adverse reaction information. Comprehensive side effect and adverse reaction information.

  5. Learn about the side effects, dosages, and interactions. Everything information about medication.
    https://edonlinefast.com erectile dysfunction medicines
    Everything information about medication. Everything about medicine.

  6. Comprehensive side effect and adverse reaction information. Everything information about medication.
    top ed pills
    Some trends of drugs. Read information now.

  7. safe and effective drugs are available. Learn about the side effects, dosages, and interactions.
    online ed medications
    Some are medicines that help people when doctors prescribe. Read information now.

Comments are closed.