INILUNSAD noong Lunes ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang pagbabakuna nitong COVID booster para sa mga senior citizen at mga taong may kasamang sakit.
Ang programa ay alinsunod sa 3-araw na National COVID-19 Vaccination Days na nagsimula nitong Lunes, Nobyembre 29 hanggang ngayong araw,Disyembre 1.
Ang mga senior citizen at taong may comorbidities na nakumpleto ang kanilang bakuna sa COVID-19 tatlong buwan na ang nakakaraan para sa Janssen at anim na buwan na ang nakalipas para sa iba pang brand ay kwalipikadong tumanggap ng mga booster shot.
Ang mga mas gusto ang Pfizer ay kailangang magtakda ng appointment sa https://covax.navotas.gov.ph/.
Para sa kategoryang A3, tanging ang mga pasyenteng may cancer, human immunodeficiency virus (HIV), immunodeficiency, na sumailalim sa organ transplant, at umiinom ng mga immunosuppressive na gamot ang kuwalipikadong tumanggap ng tatak na ito.
Ang mga nais ng AstraZeneca o Coronavac ay maaaring mag-walk-in sa kanilang napiling iskedyul sa anumang lugar ng pagbabakuna na nangangasiwa sa mga nasabing brand.
Ayon sa pamahalaang lungsod na nagtanong at nakatanggap na sila ng pahintulot mula sa National Vaccine Operations Center na gamitin ang Sinovac para sa lahat ng nasa kategoryang A3 anuman ang kanilang mga uri ng comorbidities.
Hinggil naman sa Astrazeneca, ang pamahalaang lungsod ang bumili ng mga bakuna na ibibigay din sa populasyon ng A3.
“Kailangan nating pabilisin ang paglabas ng mga boosters sa ating mga pinaka-mahina na sektor, lalo na ngayong nahaharap tayo sa banta ng isa pang variant ng COVID-19,” anila.
Nagbibigay din ang pamahalaang lungsod ng libreng transportasyon papunta at mula sa mga lugar ng pagbabakuna para sa mga nakatatanda at taong may kapansanan.EVELYN GARCIA