BOOSTER SHOTS SA 50-ANYOS PATAAS PINAMAMADALI NG DOH

PINAMAMADALI na sa Department of Health (DOH) at Health Technology Assessment Council (HTAC) ni dating Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion ang pagtuturok ng ikalawang dose ng COVID-19 booster sa edad 50 pataas.

Giit ni Concepcion ay kailangang makatanggap na ng booster shot ang 70% na fully vaccinated na Pilipino upang matamo ang opsiyonal na pagsusuot ng face mask.

Matatandaang ta­nging sa frontline healthcare workers, senior citizens, at immunocompromised lamang na indibidwal pinapayagan ang pagtuturok ng second booster shot sa ngayon.

Habang nauna nang inihayag ng DOH na pinag-aaralan na nito ang posibilidad na ang naturang pagbabakuna sa mga edad 50 hanggang 59 na taong gulang.