NAGSAGAWA ang pamahalaang lungsod ng Manila ng mass booster vaccination kahapon ng umaga para sa delivery riders ng mga umoorder sa online sa Metro Manila.
Ang mass booster vaccination ay ginawa sa gilid ng Kartilya ng Katipunan ng Bonifacio Shrine ang mass inoculation para sa mga delivery riders ng Grab, Angkas, Lalamove, Shopee, Mr. Speedy, Food Panda, Lazada, at iba pa.
Nagsimula ng alas- 8 ng umaga hanggang alas – 5 ng hapon ang booster vaccination sa delivery riders para maproteksiyunan ang kanilang sarili sa mga nakakaharap nilang ibat-ibang tao bilang bahagi ng kanilang trabaho kundi maging ang kanilang mga kliyente.
Daan-daang riders ang tumanggap ng kanilang booster shots matapos ang mass vaccination ng night workers sa Divisoria partikular sa mga nagdedeliver ng mga paninda sa Metro Manila.
Ang mga Divisoria worker ay binakunahan sa kanto ng Juan Luna at Recto, Divisoria kung saan may 754 indibidwal ang naturukan na ginawa dakong alas-8 ng gabi dahil sa abala na ang mga ito pagdating na umaga.
Kapuna-puna ayon kay Moreno ang pagtaas ng kaso ng COVID sa lungsod kung saan mula sa dating 70 ay pumalo na ito sa 900 kaso sa isang araw.VERLIN RUIZ/ PAUL ROLDAN