NAGTALA ang Philippine balance of payments (BOP) position ng surplus na $541 million noong Nobyembre, ang pinakamataas sa loob ng anim na buwan, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Ang BOP position noong nakaraang buwan ay mas mataas sa $163-million surplus noong Oktubre, subalit mas mababa sa $847-million surplus noong Nobyembre 2018.
Ito ang pinakamataas sa loob ng anim na buwan magmula nang maitala ng BOP ang surplus na $928 million noong Mayo.
“The BOP consists of Philippine transactions with the rest of the world during a specific period. A surplus means more funds entered the country, while a deficit means more funds exited,” paliwanag ng BSP.
“Inflows in November 2019 reflected the BSP’s foreign exchange operations, increase in the National Government’s (NG) net foreign currency deposits and BSP’s income from its investments abroad,” sabi pa ng central bank. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.