BOQ, MAY PAALALA SA MGA PINOY NA NAKARARANAS NG REJECTION NG VACCINATION CARD SA ABROAD

vaccination card

MAY pamalit nang dokumento na ipinami­mi­gay ang Bureau of Quarantine (BOQ) sa mga Pilipino sa ibang bansa na hindi kinikilala ang kanilang mga vaccination card.

Ito ang paalala ni BOQ Director, Dr. Roberto Salvador Jr., sa mga Pilipinong nakararanas ng ‘rejection’ ng kanilang mga vaccination cards partikular sa Hong Kong na sana’y katibayan ng mga ito bilang fully vaccinated na kontra COVID-19.

Paliwanag ni Dr. Salvador na ito ang ‘international certificate of vaccination and prophylaxis’ (ICVP) na  mas kilala sa tawag na yellow card.

Nakatala sa dokumentong ito ang bakunang  nakuha ng mga Pinoy traveler.

Giit ni Dr. Salvador, kinikilala ang yellow card ng nasa 196 na mga bansang who signatory na nagsimula pa noong 1935.

Dagdag pa ni Dr. Salvador, pareho lamang ng vaccination card ang yellow card na kanilang ibinibigay sa lahat ng mga naturukan na ng COVID-19 vaccines, ‘yun nga lamang maaaring gamitin ang yellow card ng mga Pinoy na nais mangibang bayan. DWIZ882

3 thoughts on “BOQ, MAY PAALALA SA MGA PINOY NA NAKARARANAS NG REJECTION NG VACCINATION CARD SA ABROAD”

  1. 133308 664309Youre so cool! I dont suppose Ive read anything like this before. So good to search out any individual with some original thoughts on this topic. realy thank you for starting this up. this internet site is 1 thing thats wanted on the internet, somebody with a bit of originality. helpful job for bringing something new to the internet! 736386

Comments are closed.