BORACAY 80-90% NANG MALINIS

BORACAY

NASA 80 hanggang 90 porsiyento nang malinis ang Boracay matapos ang tuloy-tuloy na rehabilitasyon sa isla, ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

“Let me define it this way. If we talk about [clearing] the cesspool, 80 percent to 90 percent na tayo. And that is the main issue. Malinis na ‘yung tubig. Puwede nang mag-swimming,” wika ni DENR deputy spokesman at undersecretary for Solid Waste Management and Local Government Units Concerns Benny Antiporda.

“’Yun pong usaping cesspool, ngayon pa lang po maipagmamalaki na namin, Boracay is ‘cesspool’ no more and we are on target,” aniya.

Magugunitang binigyan ni Pangulong Rodrigo ­Duterte ang DENR ng anim na buwan para isailalim sa rehabilitasyon ang isla, na isinara sa publiko noong Abril 26.

Ayon kay Antiporda, titiyakin ng ahensiya na magi­ging pangmatagalan ang pagiging malinis ng isla at hindi na ito mapapariwara.

Aniya, inatasan ng ahensiya ang mga hotel na may 50 rooms at pataas na maglagay ng sarili nilang sewage treatment plants, habang ang mga may 49 rooms at pababa ay dapat magkaroon ng individual o clustered treatment plants.

“Ito po ‘yung magsisiguro na ano mang liquid na inilalabas nila galing sa kanilang hotels o restaurants o ano pa mang commercial area ay sigurado tayong malinis,” dagdag pa niya.  PILIPINO Mirror

Comments are closed.