BORACAY AIRPORT TULOY ANG OPERASYON

INIHAYAG ng San Miguel Corporation (SMC) infrastructure unit na ang Boracay (Godofredo P. Ramos) Airport nito sa Caticlan ay patu-loy ang operasyon sa kabila ng malawakang  pinsala sa Visayas region ng bagyong Ursula.

Maraming flights din ang pinauunlakan nito lalo na’t sarado pa rin ang Kalibo airport.

“We would like to ask for your understanding and patience for any delays and inconvenience you are experiencing at the Boracay (Godofredo P. Ramos) Airport, at this time,” wika ng kompanya.

“Because of the continued closure of Kalibo Airport due to damage sustained from typhoon Ursula, the Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) has diverted all Kalibo flights to Boracay Airport.”

Bunga nito, mula sa dating 26 flights araw-araw, ang airport ay nag-operate ng 40 outbound flights hanggang kama-kalawa upang ma-accommodate ang mga pasahero mula sa Kalibo.  Kabilang dito ang take-off ng 8 Airbuses matapos ang paglubog ng araw.

“Also, because of widespread damage affecting Caticlan and many other areas, communication lines are still down and only Smart lines are intermit-tently available. Bank ATMs also continue to be offline at the moment. There is no elec-tricity, however, the airport is currently running on generators,” sabi pa ng SMC.

Patuloy na nakikipag-ugnayan ang kompanya sa lahat ng stakeholders upang maibalik ang normal na operasyon sa lalong madaling panahon.

Comments are closed.