May isang maliit na isla sa central Philippines, na kilala na ngayon sa mga resorts at beaches. Sa kahabaan ng west coast, bukod sa White Beach na maraming palm trees, siksik rin ito sa bars at restaurants. Sa east coast naman, dahil sa malakas na simoy ng hangin, naging sentro ng water sports ang Bulabog Beach. Sa kalapit na lugar, may hub for water observation deck sa Mount Luho kung saan makikita ang buong isla. At offshore, napakarami namang coral reefs at shipwrecks na tahanan ng mga unique species ng isda. Ang lugar na iyan ay Boracay.
Bura akay ito dati — at kahit pa sa mga taong nakatira dito. Pinaikli na lamang sa Boracay para madaling sabihin ng mga turista.
Isa ito sa mga top Islands sa Pilipinas na napakapopular sa kanyang mahabang dalampasigan na biniyayaan ng maganda at puting-puting buhangin, napakalinaw na asul na karagatan, at makapigil-hiningang paglubog ng araw.
Dahil sa kagandahan ng Boracay, nagkamit na ito ng napakaraming parangal.
Kilala rin ang Boracay bilang Islang Paraiso o “Island of Paradise” at “the island that never sleeps,” parang New York lang, “The city that never sleeps.” Bakit nga hindi? Makikita at mararanasan dito ang hindi matatawarang blend ng natural wonders at entertainment.
Isa itong tunay na Tropical Paradise, na parang magnet na humihigop sa mga nanlalakbay upang saksihan ang kagandahan ng isla, na puno ng mga kaakit-akit na bulaklak, flora and fauna, at diverse marine life. Hindi ka na magtatakang isa ito sa best islands in the world.
Parang kailan lamang… unang nasaksihan ang Bura Akay noong 1978, nang makarating ang German writer na si Jens Peter at sumulat ng aklat hinggil sa Pilipinas. Inilarawan niya ang Bura Akay “paradise on earth,” kaya naman na-curious ang mga tao at nagkaroon ng increasing awareness sa isla. Dahil sa biglang international attention, dinagsa ang Bura Akay ng turista.
Kung dadalaw ka sa Boracay, huwag mong kalilimutang tikman ang napakasarap nilang Binakol. Kumain kayo nito sa mga maliliit na carinderia, huwag po sa hotel — dahil doon ninyo matitikman ang tunay na lasa ng Aklan dish na ito na manok na pinasingawan sa sarili niyang sabaw at mantika gamit ang nagbabagang uling, habang nakalagay sa loob ng malaking buho. Iulam ito sa bagong saing na kanin, at sa totoo lang, langit talaga ang sarap! Makakalimutan mo ang pangalan mo.
Bago tayo magwakas, alamin muna natin kung bakit ganoon kaputi ang buhangin sa Boracay.
Kasi raw, malamang na sanhi ito ng mga corals, sediments, algae, terrestrial soil, at lahar — pero mas malamang na korales talaga ang dahilan. Hinihinala ring dahil sa mga polyps, na kapag namatay ay nagiging puti, at kapag nadala na sa dalampasigan ay nagsisilbing buhangin. Ngunit ano pa man ang dahilan, basta maganda ang Boracay, at hindi lamang ako ang may sabi nito kundi ang buong mundo.
JAYZL VILLAFANIA NEBRE