BORACAY BUKAS NA SA MGA TURISTA

BORACAY-13

MULING binuksan ng world-famous Boracay Island sa Malay, Aklan ang beach nito para sa mga turista kasabay ng pagsisimula ng modified general community quarantine (MGCQ) noong Hunyo 1.

Ayon kay acting Malay Mayor Frolibar Bautista,  anim sa walong designated swimming areas nito ang nagsimula nang tumanggap ng mga turista.

Tatlo sa itinalagang swimming areas ay matatagpuan sa station 1, tig-dalawa sa stations 2 at  3, at isa sa Yapak village.

“We will open two more this week. We have put red flags on non-swimming areas,” ani Bautista.

Anang alkalde, ang beach viewing at sunbathing ay pinapayagan sa intervals na 200-meter swimming areas para maiwasan ang maraming tao sa isang lugar.

Naglagay rin ang lokal na pamahalaan ng lifeguard stations para ma-screen ang mga turista sa pagpasok nila sa tourists swimming areas.

“Swimmers must be subjected to temperature checking upon entry. They will also have to register their names, address, and contact numbers before they will be allowed at the beach,” aniya.

Mahigpit din aniyang ipinatutupad ang pagsusuot ng face masks at physical distancing.

Bukas ang swimming areas mula alas-6 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi. (PNA)

Comments are closed.