BORACAY, EL NIDO TOP BEACHES SA ASYA

Ipinagmamalaki ng Department of Tourism (DOT) na kasama ang  Boracay White Beach bilang ika-12 at ika-18 naman ang El Nido ng Palawan’s Nacpan Beach sa mga pinakamagagandang beaches sa buong mundo, ayon sa TripAdvisor Travelers’ Choice 2021 Best of the Best Awards Top 25 Beaches – Asia category.

Ayon kay Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat, nakaka­tuwang sa kabila ng pandemya ay nabigyan ng TripAdvisor ng pagkilala ang nasabing mga lugar.

Binasehan ng nasabing TripAdvisor Travelers’ Choice sa pagpili ang bilang ng mga netizens na nagsabing babalik sila sa nasabing lugar.

Itinatala ng pinakamalaking travel gui­dance platform ang Top Beaches category sa buong mundo na ipinadadala sa iba’t ibang rehiyon.

Ani Puyat, kahit nami-miss ng mga Filipino ang paliligo sa dagat, darating din ang panahong magagawa uli natin ang gusto nating gawin.

Paliligo sa dagat, pag-akyat sa bundok, pagbibisikleta ang karaniwang gustong aktibidad ng mga Pinoy, batay sa huling online na isinagawa ng DOT sa tulong ni Asian Institute of Management (AIM) – Dr. Andrew L. Tan Center for Tourism, and Guide to the Philippines.

Binigyang diin ng travel survey na gusto ng mga manlalakbay at turista ang mga lugar na masarap ang simoy ng hangin, malawak at malinis.

Ang Agonda at Cavelossim Beaches ng India ang itinutu­ring na top two spots sa Asia ngayong taon, kasunod ang Ngapali Beach ng Myanmar.  — KAYE NEBRE MARTIN

 

 

4 thoughts on “BORACAY, EL NIDO TOP BEACHES SA ASYA”

Comments are closed.