HANDANG-HANDA na ang Boracay sa muling pagbubukas nito sa Oktubre 26 matapos ang anim na buwang pagsasara para sumailalim sa rehabilitasyon.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR), hindi na cesspool o madumi ang Boracay dahil malinis na ang tubig nito.
Subalit, ipinagbabawal pa rin ng DENR ang water activities katulad ng Parasailing, Island hopping at jetskiing habang hindi pa tapos ang pag-aaral sa marine biodiversity ng isla.
Gayunpaman, maaaring magsagawa ng “parties” ngunit pili lamang at sa tamang lugar.
Ani DENR Undersecretary Sherwin Rigor, maaari pa rin namang magsagawa ng party at iba pang beach activities basta’t ito ay gagawin sa loob ng establisimiyento o malayo sa baybayin.
Layunin nito na maprotektahan at mapanatiling maganda at malinis ang tubig at buhangin ng tourist destination.
Ilan sa mga ipinagbabawal itayo sa baybaying pasok sa 25.5 meter-easement area ay ang stage, lamesa, upuan, massage beds, payong souvenir shops at food stalls.
Tatanggalin din ang ilang nakakabit na electric lights at wires.
Epektibo ang polisiya sa white beach stations 1, 2 at 3 maging ang Puka, Ilig-iligan at Bulabog beach.
Comments are closed.