INIHAYAG ng lokal na pamahalaan ng Muntinlupa ang paghihigpit sa border control points at checkpoints sa mga pangunahing kalsada sa lungsod na sumusunod sa direktiba ng Inter-Agency Task Force (IATF) na ang mga Authorized Persons Outside their Residences (APOR) lamang ang papayagang bumiyahe sa pagpasok at paglabas sa National Capital Region (NCR) kabilang ang Cavite, Laguna, Bulacan at Rizal o ang tinatawag na NCR Plus.
Sinabi ni Muntinlupa City Mayor Jaime Fresnedi, kanyang inatasan si police chief Col. Melecio Buslig na pag-ibayuhin ang pagbabantay sa dalawang border quarantine control points na matatagpuan sa boundary ng Muntinlupa-San Pedro, Laguna at Susana Heights toll gate exit na parehong nasasakupan ng Brgy. Tunasan.
Sa pagbabantay sa dalawang nabanggit na control points, sinabi ng alkalde na makakatuwang ng lokal na pulisya ng Muntinlupa ang tropa ng District Mobile Force (DMF) Battalion.
Ang mga papayagan lamang ng mga nakabantay na pulisya sa mga control points ay ang mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) at mga IATF ID na inisyu ng nabanggit na ahensya pati na rin ang valid IDs o pertinent documents na inisyu ng establisimiyento ng kanilang pinagtatrabahuhan na pinayagan sa ilalim ng kasalukuyang quarantine classification.
Ang mga non-APOR naman ay pinagbabawalan na dumaan sa control points at ang mga lalabag sa naturang prohibisyon ay mapapatawan ng karampatang parusa na naaayon sa Section 9 of RA 11332.
Matatandaan na sa isinumiteng rekomendasyon ng MMC ay napagkasunduan ng mga metro mayors isailalim ang NCR Plus mula general community quarantine (GCQ) patungo sa mas pinahigpit na enhanced community quarantine o ECQ dahil na rin sa nakikitang mabilis na pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Metro Manila upang maiwasan na ang pagkalat ng mas nakahahawang virus na Delta variant.
Nakasaad din sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Resolution 21-15 na pinirmahan ng metro mayors na handa silang isailalim sa ECQ ang NCR ng dalawang lingo kung ang gobyerno ay may kaukulang pondo para sa Social Amelioration Program (SAP) na maipamamahagi sa mga indibidwal na maaapektuhan ng ECQ.
Idinagdag pa ng metro mayors na sa pagpapatupad ng ECQ sa Metro Manila ay kinakailangang may alokasyon ang gobyerno na 4 milyong bakuna para sa NCR na kanilang ipinangako sa loob ng dalawang linggong pagpapatupad ng ECQ. MARIVIC FERNANDEZ
62545 802381Ive the same problem sometimes, but I normally just force myself by way of it and revise later. Excellent luck! 938056
519777 218552Hi there! Good post! Please do tell us when I could see a follow up! 534886
428278 758749As I website owner I believe the content material here is extremely superb, thanks for your efforts. 815064