BORDER CONTROLS SA NCR PLUS PINOSTEHAN

EPEKTIBO kaninang alas-12 ng hatinggabi, pinahigpit na ang border controls sa NCR Plus o sa Metro Manila at karatig lalawigan ng Rizal, Laguna, Bulacan at Cavite

Batay sa utos ni Interior Secretary Eduardo Ano kay JTF Covid Shield Commander, Lt. Gen. Israel Dickson, ang PNP Deputy Chief for Operations, pinagana na ang quarantine control points (QCPs) o checkpoints sa mga lagusan sa bawat boundary ng NCR Plus.

Habang tanging ang Authorized Persons Outside of Residence (APOR) ang makakaraan sa QCPs o checkpoints kung saan ipakikita ang kanilang IATF ID o company ID.

Kaya asahan na maraming pulis ang naka-deploy sa mga boundary ng Rizal, Laguna, Cavite at Bulacan.

Ani Ano na ang kautusan ay alinsunod sa Inter-Agency Task Force (IATFI Resolution No. 130-A.

“The Philippine National Police shall only allow APORs to pass and will recognize: 1) IATF IDs issued by regulatory agencies; and 2) valid IDs or pertinent documentation issued by establishments allowed to operate under the current quarantine classification,” batay sa kautusan.

Ang paghihigpit ay upang mapigilan ang pagdami ng kaso ng COVID-19 lalo na’t may kaso ng mahigit 100 ng Delta variant sa bansa, ayon sa kalihim.

Binilinan din ni Ano ang PNP na pasunurin ang publiko sa istriktong health protocols.

Gayunpaman ang mga cargo at delivery trucks ay hahayaang makadaan sa QCPs o checkpoints.

“We have instructed all QCPs to allow the unimpeded movement of cargo trucks and delivery vehicles across all our checkpoints,” ayon kay Ano.

Epektibo ngayong araw, Agosto 1 hanggang Agosto 5 ay nasa General Community Quarantine (GCQ) with heightened restrictions ang Metro Manila.

At sa Agosto 6 hanggang Agosto 20 ay isasailalim na ito sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).
EUNICE CELARIO

4 thoughts on “BORDER CONTROLS SA NCR PLUS PINOSTEHAN”

Comments are closed.