(Border ng bansa bubuksan na) PH DADAGSAIN NG MGA TURISTA

INAASAHAN ng pamunuan ng Bureau of Immigration (BI) ang biglang pagdagsa ng mga dayuhang turista ngayong 2022 kasunod ng muling pagbubukas ng border ng bansa ngayon Pebrero 10.

Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente, ina­asahan nila ang pagtaas ng bilang mga turista dahil sa pagbubukas ng bansa para sa mga dayuhang turista matapos ang halos dalawang taon na paghihigpit.

“Last year we saw only 1.4 million arrivals, which is significantly lower than the 3.6 million in 2020,” ayon kay Morente. “The numbers were dismal, because pre-pandemic we were hitting 16.9 million arrivals,” dagdag pa nito.

Aniya, bumagsak ang tourist extension application ng 53% noong 2021.

Sa ulat ng BI’s Tourist Visa Section (TVS), may kabuuan na 111,781 lamang na applications for extension ng mga turista na 53% na mas mababa sa 240,276 na kahalintulad na aplikasyon na natatanggap nila sa kanilang tanggapan noong 2020.

“The low numbers we’ve seen in the past few years has really affected the tourism and international travel sector,” ayon Morente. “We remain optimistic that 2022 will be a better year for international travel, especially now that we will reopen our borders. Hopefully, little by little, international tourism regains momentum,” diin ng commissioner. PAUL ROLDAN