UPANG mapaigting ang border protection ng bansa, nagkasundo ang ilang ahensiya ng pamahalaan sa pamamagitan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) para sa mahigpit na pagbabantay ng border security sa ibat-ibang lugar sa bansa.
Kabilang sa nagsipaglagda sa MOU, sa hanay ng Department of Finance (BOC, BIR, SEC); Agriculture (BAI, BFAR, BPI, NMIS, NFA, NTA, SRA); Trade and Industry (IPOPHL, PEZA, FTEB, BIS, STMO, BPS); Environment and Natural Resources (EMB, MGB, BMB);Health (BOQ, FDA); Interior and Local Government (PNP); Justice (NBI, BI); Science and Technology (PNRI); Labor and Employment (PRC); National Defense (PCG); Information and Communications Technology (NTC), Bangko Sentral ng Pilipinas (AMLC) at ang PDEA.
Sa ilalim ng MOU, napagkasunduan na isusulong ng mga ito ang isang komprehensibo at sistematikong mekanismo sa pamamagitan ng pagbibigay ng impormasyon ng bawat miyembro upang maiangat ang border control capabilities ng bansa.
Nakapaloob din sa naturang MOU ang pagkakaroon ng maayos na working arrangement sa mga mapatatag ang inter-agency coordination at kooperasyon sa pagkuha ng data at information resources.
Ayon sa BOC insider, layunin nito na masawata ang pagpasok ng mga kontrabandong kargamento sa mga pantalan sa bansa partikular ang mga nanggagaling sa bansang China. FROILAN MORALLOS
Comments are closed.