(Bored dahil sa ECQ) KC CONCEPCION NILAIT DAHIL SA TIKTOK

KC CONCEPCION

DAHIL almost one month nang bored na nakakulong sa bahay ang mga taga-Luzon, for wanting of better things to do, TikTok videos ang sizzling bitspinagkakabalahan ng ating celebrities.

Kasama na si KC Concepcion na nag-upload ng isang TikTok video last April 13 nang gabi.

KC is seen dancing to the tune of the song “Mamacita” of the Black Eyed Peas, featuring the artists Ozuna and J. Rey Soul.

Sa caption, KC tagged J. Rey Soul. Her message: “@jreysoul u owe me one bb.”

Maraming netizens all over the world ang nagbigay ng comment.

Nalilibang raw sila kahit sandali dahil sa TikTok video ni KC. Nevertheless, may mga netizen naman ang nagbigay ng negang comment na “parang tanga” raw si KC sa TikTok video niya.

May isa ring netizen na nilait ang figure ni KC.

Further commenting in a highly negative manner that KC has supposedly no hips at all and  that her body is like straight up & down.

Hindi naman na-freakout si KC.

Ang chill na sagot niya: “lol u sound so affected, I’m so sorry my hips disappointed u!”

 

WILLIE REVILLAME NAGLA-LIVE SHOW MULA SA KANYANG WIL TOWER PARA MAMIGAY NG TULONG

SA NGAYON, walang celebrity na nagla-live dahil sa Covid 19. Surprisingly, Willie Revillame is doing his show (Wowowin) live straight from WILLIE REVILLAMEhis Wil Tower in Quezon City.

Nu’ng una, wala siyang guest at tumatawag na lang sa kanyang listeners at namimigay ng pera.

Bagama’t ganon lang ang kanyang routine, marami rin ang nanonood dahil natutuwa sa kanyang pagiging generous at good natured.

Sa ngayon, pinasok na nang maraming sponsors ang kanyang show na mayroon na ring dancers na kasama.

Good karma kasi dahil mabait at napaka-bukas palad.

Featured entertainer nga pala ni Kuya Wil nang araw na yun ang napaka-guwapong si Ken Chan.

 

ANGELINE QUINTO NILAIT NG NETIZENS DAHIL SA MARAMING PAGKAIN; ‘DI ALAM NA IPAMIMIGAY

NAIRITA ang mga netizen nang ibalandra raw sa social media ang napakaraming pagkain sa hapag-kainan nina Angeline Quinto lalo na’t ANGELINE QUINTO-2napakarami raw ang naghihirap at halos walang makain sa panahong may krisis.

Sumagot ang Kapamilya singer at sinabing wala raw siyang balak na magyabang sa kanyang kapwa.

“Naiintindihan po namin,” she asseverated. “Hindi po nawawala sa isip namin pasalamatan ang mga taong nagbigay rin sa akin.

“Hindi naman po siguro masama yun.”

Idinagdag pa ng singer/actress na hindi rin daw niya nakalilimutang i-share ang ibang pagkaing kanyang natanggap.

“Opo, marami pong pagkain ang nakikita niyo sa post na ito, pero halos ang iba po riyan ay nailuto ko na po

“at naipamigay rin sa ibang mga pulis at security guards na halos beinte kuwatro oras na nagtatrabaho sa labas.

“Hindi ko naman po kailangan sabihin ito, pero para rin po maintindihan ng bawat isa.”

Nice one, Angeline. Mabuhay ka!

 

NAKIKIRAMAY KAMI SA PAMILYA NINA KC GUERRERO, ALEX DATU

NAKALULUNGKOT isiping pumanaw na pala si KC Guerrero, ang entertainment writer na nakilala namin noong mid or early 90s.

Matagal din naming nakasama si KC sa tabloid na in-edit namin noon na pag-aari ni Mimi Citco.

Malayo na ang narating niya at lately nga ay naging entertainment editor pa siya ng Bomba at Saksi tabloid.

Rest in peace, KC. Mami-miss ka namin.

Isa pang mami-miss namin ay itong si Alex Datu na biglang-bigla naman ang kamatayan.

Si KC ay naratay nang matagal bago pumanaw pero itong si Alex ay malusog na malusog at walang senyales na mamamaalam na siya.

Rest in peace, my friends. You will be inordinately missed!

Follow me on Twitter at Pete Ampoloquio, Jr.

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.

Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

One thought on “(Bored dahil sa ECQ) KC CONCEPCION NILAIT DAHIL SA TIKTOK”

  1. 651912 501422You created some decent points there. I looked on the internet for that concern and located most individuals will go together with with the internet site. 652807

Comments are closed.