BORROWED WEDDING RINGS NINA ANGEL LOCSIN AT NEIL ARCE SINOLI NA

NAPAKAGANDANG Valentine gift ang natanggap ni Angel Locsin sa asawang si Neil Arce at sure talagang isa itong malaking surpresa sa kanya. Kasi naman, nag-organize si Neil ng pre-Valentine dinner sa kanilang bahay sa Que­zon City, upang ibigay ang kanilang wedding ring.

Yes! Finally, may wedding ring na sila anim na buwan matapos silang ikasal. Nanghiram lang kasi sila ng wedding ring noong una dahil hindi nila alam na kailangan pala ang wedding ring sa civil rites.

“Wala kaming dalang singsing,” ani Neil. “At hindi pala pwedeng walang rings.” Kaya nag­hagilap sila ng singsing, peke nga lang. Mula raw ito sa 14-anyos niyang anak na lalaking laging may mga suot na singsing.

So ngayon, dahil nakabili na sila ng totoong wedding ring nila ni Angel, isinoli na nila ang peke sa may-ari. — KNMartin