MANANAIG ang boses ng mayoryang San Juaneño sa Lunes, araw ng halalan.
Ito ang inihayag ng lehitimong residente ng San Juan City sa PILIPINO Mirror at sinabing matagal na nilang hinintay ang pag-luklok ni Mayoral candidate Francis Zamora bilang pambato ng PDP Laban sa nasabing lungsod.
Lalong sumigla ang mga San Juaneño nang lumamang ng 22% sa PSRC survey si Zamora na may 58% sa katunggali nitong si VM Janella Ejercito na may 36% lamang mula Abril 25 hanggang Abril 28.
Bukod sa nasabing survey nagpapatuloy ang kalamangan ni Zamora sa iba’t ibang non-commissioned surveys sa panahon ng campaign period.
INENDORSO NG INC
Isa pang nagbigay ng saya sa mga San Juaneño at pamilya Zamora nang i-endorso si Francis ng Iglesia ni Cristo.
“Maraming-maraming salamat po sa pagtitiwala at suporta ng Iglesia Ni Cristo,” mensahe naman ni Zamora sa INC at tiniyak na hindi nito sisirain ang tiwala ng mga naniniwala sa kanya.
Kaya naman positibo ang kampo ni Zamora at mayorya ng San Juaneño na makakamit na rin ang asam na maging ama ng San Juan upang paglingkuran ang mga residente roon at mai-patupad ang pagbabago. PILIPINO Mirror Reportorial Team
Comments are closed.