Nagwagi ang Pharoahs Treasure sa Philracom Imported Maiden Stakes noong Linggo sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas noong Linggo. Kuha ni RUDY ESPERAS
NAGHARI ang Boss Emong ni Kennedy Morales sa 2023 Philracom A.P. Reyes Memorial Race sa Metro Manila Turf Club sa Malvar, Batangas nitong Linggo.
Sa kabila ng pagkakaroon ng 57kg handicap weight, tinalo ng gray 7-year-old ng Dance City mula sa Chica Una ang kanyang mga katunggali sa karera na idinaos bilang pagpupugay kay dating Philippine Racing Club (Philracom) president Dr. Aurelio P. Reyes, na isa rin sa mga founder at dating chairman ng Asian Racing Conference.
Ang Boss Emong, na sinanay ni Ernesto “Boy Gare” Roxas at pinalahi ni Joseph Dyhengco, ay naorasan ng 1:52 upang mamayani laban kina Don Julio (second) at Jungkook (third).
“I was able to dictate the pace the whole time that’s why he still had a lot of horse in him when we crossed the finish line,” wika ni jockey Kelvin “The Genius Rider” Abobo, na ginabayan ang Boss Emong.
Dumalo ang anak ni Reyes na si Carlitos, mas kilala sa racing circles bilang “Ger Tos,” at apo ni Charlie “Cha” Reyes, sa awarding ceremony.
Samantala, nadominahan ng Pharoahs Treasure (American Pharoah out of Namurian Sunset) ni Joseph Dyhengco ang Philracom Imported Maiden Stakes. Sumegundo ang Daily Burn at tersero ang Magandang Dilag.
“I knew I had a great chance of winning this one because his recent workout of a breezing 1:44 over the mile was a tell-tale sign of better things to come,” sabi ni jockey Oneal Cortez makaraang gabayan ang Dante Salazar-trained import sa panalo.
Sinabi ni Philracom chairman Reli de Leon, na binati ang mga nagwagi, na, “We, in the Commission, believe that it is high time to recognize Dr. Aurelio P. Reyes for his invaluable participation and contributions in the improvement not only of the local horseracing industry, but also in Asian racing as well.”