BOSS O MAY BOSS?

DALAWANG uri lang ang maaaring pagkunan ng income.

Ikaw ang boss o mayroon kang boss?

May magagandang puntos ang alinman sa nais mong maging at pagkunan ng ikabubuhay.

Pero karaniwan na, kapag hindi ka kontento sa basic pay na P610 kada araw,  (sa Metro Manila ito) iniisip mong magnegosyo na lang.

Subalit may kaakibat ng mas malaking responsibilidad ang mag-negosyo kaya naman mayorya ng Pinoy na manatili na lamang empleyado.

‘Yung tinatawag na 8am-5pm worker at madagdagan ang net pay kapag may overtime.

Sa mga regular status, mayroon silang benepisyo gaya ng vacation leaves, sick leave at maging emergency leave.

Mayroon ding 13th month pay at bonuses at iba pang fringe benefit.

Magtrabaho ng itinakdang oras at may aabangang suweldo kinsenas katapusan.

Habang ang negosyo, ikaw ang mag-iisip kung paano lalago, desisyon sa iyo, mayroong kang sariling tao at sa iyo ang kita.

Walang oras kapag ikaw ang boss.

Alang-alang sa kita (income), 24/7 kang mag-iisip at kikilos.

Ang kagadahan naman ng may negosyo, payaman dapat ang mindset.

May lugi man, dapat agad makabawi.

Higit sa lahat, kapag may negosyo, hindi sarili lang ang matutulungan ng may income, kundi ibang tao rin.

Kaya makakatulong ka na sa ibang tao maging sa ekonomiya.