Mga laro bukas:
(Araneta Coliseum)
4:30 p.m. – Rain or Shine vs San Miguel
7:30 p.m. – Ginebra vs Meralco
ISINALPAK ni Robert Bolick ang mga krusyal na tres sa end game at pinutol ng NLEX ang mainit na simula ng Blackwater sa PBA 48th Season Philippine Cup sa 103-97 panalo kagabi sa Philsports Arena.
Umiskor si Bolick ng dalawang back-breaking threes sa huling minuto ng laro upang kunin ng Road Warriors ang kanilang ikatlong sunod na panalo at umangat sa 4-1 habang ipinalasap sa Bossing ang kanilang unang kabiguan sa apat na laro.
Gumawa rin sina Ritchie Rodger at Anthony Semerad ng key shots makaraang magtabla ang laro sa 92 para sa Road Warriors, na ginabayan ni Jong Uichico kapalit ni NLEX coach Frankie Lim na nagtamo ng wrist injury.
Nakakuha rin ang NLEX ng malaking kontribusyon mula sa bench kina Jhan Nermal, na may 16 points at 7 rebounds, at Dominick Fajardo, na may season-high 14 points at 2 blocks.
Nag-ambag din si Robbie Herndon ng 14 points at 10 rebounds para sa Road Warriors, habang tumipa si dating Blackwater cager Baser Amer ng 12 points.
CLYDE MARIANO
Iskor:
NLEX (103) – Bolick 21, Nermal 16, Herndon 14, Fajardo 14, Amer 12, Semerad 11, Rodger 9, Marcelo 4, Valdez 2, Miranda 0, Pascual 0.
Blackwater (97) – Suerte 21, Rosario 16, Nambatac 16, Tungcab 15, Guinto 12, Ilagan 8, David 4, Yap 3, Escoto 2, Sena 0, Hill 0, Kwekuteye 0, Jopia 0.
QS: 22-26, 50-51, 71-72, 103-97.