Mga laro ngayon:
(Araneta Coliseum)
5 p.m. – TNT vs NorthPort
7:30 p.m. – NLEX vs Ginebra
NANATILI ang Blackwater sa kontensiyon para sa isang quarterfinals berth sa PBA Governors’ Cup.
Nagbuhos si George King ng 49 points at kumalawit ng 11 rebounds, at sinamantala ng Bossing ang pagkawala ni Jordan Adams upang pataubin ang San Miguel, 111-94, kagabi sa Ninoy Aquino Stadium.
Sinamahan ng Bossing ang NLEX sa tie para sa ika-4 na puwesto na may 4-5 kartada. Ito ang unang panalo ng Bossing laban sa Beermen magmula noong October 6, 2022, at ikalawa pa lamang nila sa huling 14 na pagtatagpo.
“We know the situation going into tonight, and our backs are really against the wall, so that’s how we look at it now,” wika ni Jeff Cariaso sa postgame press conference.
“Tonight was really just, the guys just not willing to give up yet,” dagdag pa. niya.
Napalobo ng Bossing ang kanilang kalamangan sa 25 points sa last quarter, 107-82, kasunod ng freeb throws ni James Kwekuteye sa 5:28 mark.
Si Adams ay hindi naglaro dahil sa injury na tinamo sa kanilang laro kontra Elasto Painters noong Huwebes.
Si rookie Sedrick Barefield ang isa pang Bossing na umiskor ng double digits na may 14 points.
Nanguna para sa San Miguel si eight-time MVP June Mar Fajardo na may 23 points, habang nagdagdag si CJ Perez ng 21 points.
Tinapos ng Beermen ang eliminations na may 6-4 record, at nalasap ang ikalawang sunod na kabiguan makaraang matalo sa Rain or Shine noong Huwebes.
CLYDE MARIANO
Iskor:
BLACKWATER (111) – King 49, Barefield 14, Chua 9, David 6, Rosario 6, Kwekuteye 5, Ilagan 4, Casio 4, Escoto 4, Jopia 4, Suerte 4, Corteza 2, Mitchell 0, Ponferrada 0, Montalbo 0
SAN MIGUEL (94) Fajardo 23, Perez 21, Romeo 15, Lassiter 5, Rosales 5, Trollano 5, Cruz 4, Brondial 4, Nava 4, teng 4, Manuel 2, Jimenez 2, Ross 0
QUARTERS: 30-21, 52-43, 85-72, 111-94