BOSSING UMESKAPO SA F’MASTERS

blackwater elite

Mga laro ngayon:
(Ynares Center-Antipolo)
4:30 p.m. – Meralco vs Terrafirma
6:45 p.m. – NLEX vs NorthPort

NAGING matatag ang Blackwater upang maitakas ang 108-105 panalo laban sa Phoenix Super LPG sa kapana-panabik na laro sa PBA Governors’ Cup nitong Biyernes sa Ynares Center sa Antipolo.

Tumugon si Shawn Glover sa hamon ni Bossing coach Ariel Vanguardia sa paghugot ng 13 rebounds na sinamahan ng 31 points at nakakuha ng sapat na suporta mula kina Jayvee Casio, Rashawn McCarthy at Baser Amer.

Sa panalo ay naiganti ng Blackwater ang 102-124 pagkatalo sa NLEX habang nahulog ang Phoenix sa 0-2 marka

“I challenged the guys to be tougher today, Shawn included,” wika ni Vanguardia. “We treated it talaga as a championship game kasi siyempre it’s hard to be down 0 and 2. Sunod-sunod na mga games, eh, mahirap makabawi.”

Para kay Glover, nakalikom lamang ng 5 rebounds sa NLEX game, mahalaga ang pasensiya para sa koponan na ibang-iba ngayon kumpara sa dati niyang pinaglaruan, dalawang taon na ang nakalilipas.

“We’re a new team, we’re gonna adjust to each other. Just the effort, keep the high intensity, keep doing what the coach says, just finish the game,” sabi ni Glover.

Sa kabila na naglaro sa limitadong oras tulad ni Casio, si Amer ay tumapos na may 17 points habang nagdagdag si Ato Ular ng 14 points at 11 rebounds. Naitala ni Yousef Taha ang kanyang ikalawang sunod na double-double na may 10 at 13.

Umiskor lamang si Casio ng 5 points, subalit ang huling tatlo ay malaki na nagbigay sa Blackwater ng 102-98 kalamangan papasok sa huling 33 segundo ng laro.

Nagbuhos si Du’vaughnn Maxwell ng game-highs na 37 points at 17 rebounds para sa Phoenix. CLYDE MARIANO

Iskor:
Blackwater (108) – Glover 31, Amer 17, Ular 14, Taha 10, McCarthy 9, Hill 6, Banal 6, Ayonayon 5, Casio 5, Ilagan 3, DiGregorio 2, Torralba 0, Escoto 0, Suerte 0.
Phoenix (105) – Maxwell 37, Tio 15, Perkins 13, Alejandro 10, Serrano 9, Soyud 5, Manganti 5, Garcia 5, Jazul 2, Muyang 2, Camacho 2, Go 0.
QS: 25-18, 54-45, 79-69, 108-105.