BOTANTE SA MINDANAO NAGKUMAHOG SA COMELEC DEADLINE

COMELEC REGISTRATION-2

NORTH COTABATO – IPINARAMDAM ng mga eligible voters sa Cotabato City at ma­ging ang kalapit na probinsiya ng Maguindanao ang kahandaan para sa May 2019 elections nang maitala ang mahabang pila para magparehistro kasunod ng deadline na ala-5 ng hapon noong Biyernes.

Upang maging matiyak na matiwasay, sinabi ni Sr. Supt. Rolly Octavio, chief of police ng Cotabato City PNP, na maaga silang nag-deploy ng mga pulis sa mga  local office ng Commission on Elections (Comelec).

“They (police officers) are there to manage the orderly procedure in list-up centers,” ayon pa kay Octavio.

Sa City Comelec office sa Bonifacio Street, naitala ang 150 botante na maagang  pumila bago mag-alas-7 ng umaga.

“I came here very early because there’s no tomorrow for those who failed to register,” ayon kay Sahara Gusto, isang registration applicant.

Sinabi ni Gusto na nais niyang makaboto para sa  Bangsamoro Organic Law (BOL) plebiscite at sa 2019 local elections.

Ang mga botante sa Cotabato City at Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ay makakasama para bumoto sa ba-gong Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), kasabay ng pagbuo sa  BOL habang ang referendum ay itinakda sa  Enero 21, 2018.

Sinabi naman ni Lawyer Ray Sumalipao, ARMM election chief, na naging maayos ang  last day of voters’ registration.  PILIPINO Mirror Reportorial Team

Comments are closed.