BOTOHAN NG MGA MAMBABATAS PARA SA ABS-CBN FAKE NEWS! —-CONG YAP

Rep Eric Yap-2

ISANG malaking fake news ang naglabasan sa mga diyaryo at social media hinggil sa boto o magiging boto umano ng mga kongresista hinggil sa franchise renewal ng ABS-CBN ngayong Biyernes.

Ayon kay ACT-CIS Cong. Eric Yap, member ng Committee on Legislative Franchise, “wala pa pong botohan pero bakit may bilang na sa mga diyaryo at social media kung sino ang boboto ng yes o ng no…malaking fake news ito”.

“Pano nila nalaman?  Ikinwento ba ng mga mambabatas yung boto nila bago pa ang botohan?  Malinaw na ito ay pekeng balita,”  dagdag pa ni Yap.

Aniya, may mga mambabatas na alam niya na hindi pabor na bigyan muli ng lisensya ang ABS-CBN pero inilagay na boboto ng ‘yes’ sa ba­lita na kumakalat ngayon sa social media.

Ayon pa kay Yap, mas makabubuti kung hintayin na lang ng mga tao ang botohan ngayong araw kung bibigyan ba o tuluyan ng ibasura na ang license application ng naturang media network. PILIPINO MIRROR REPORTORIAL TEAM

Comments are closed.