BOTYA BUKING SA SLAUGHTER HOUSE

BOTCHA-2

BULACAN-INILAGAY sa malalim na hukay at binuhusan ng gasolina ang mga karne ng double dead na baboy upang matiyak na hindi na mapakikiba­ngan pa ng sinuman.

Sa report ni Marilao Police chief Lt.Col.Dominador Ignacio, ganap na alas-10:00 ng kamakalawa ng gabi nang madiskubre ang botya sa dalawang reefer van sa slaughter house sa Brgy, Sta.Rosa 1 sa bayan ng Marilao.

Nakatakda sanang dalhin sa Maynila ang naturang mga double dead na karne ng baboy na tumitimbang ng 420 kilos mula sa Qualipeak Livestock  Corp na pag-aari ng isang Thomas Haw ng Brgy. Guyong, Sta.Maria, Bulacan.

Arestado naman ang mga driver at helper ng dalawang reefer van na sina Almer Pao Obnibaga,Mark Angelo Bolo Responde,Ojeck Bahilot Salimbagat, Aristeo Aguilar Lorenzo,

Aldrin Daganta Dalin at Reynan Bahilot Alfonso, pawang mga residente ng Brgy. Guyong, Sta. Maria ng nasabing lalawigan.

Kinumpiska rin ang Isuzu reefer van na may plakang NBF-8068 at rebuilt truck reefer van na may plakang CAS-9567.

Ayon sa mga awtoridad,  hindi dumaan sa inspection ng NMIS ang naturang hot meats. THONY  ARCENAL

Comments are closed.