HINDI talaga maikakaila ang yaman ng mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao at hindi basta-bastang mayaman lang kung hindi bilyo-naryo talaga. Bukod sa ilang pag-aaring building, mansyon sa Pinas at ibang bansa, mamahaling sasakyan, helicopter, ay may 15 iba’t ibang negosyo sina Manny at Jinkee.
Isa na rito ang “Jinkee’s Fashion World,” na located sa JMP 2 Bldg. (sariling building) along Aparente Ave., Gensan na matagal ng pinatatakbo ng wife ni Pacman. At dahil sa puro signature bags, shoes and clothes ang mga ibinebenta sa nasabing boutique ni Jinkee, natural kapwa niya mayayaman ang kanyang mga nagiging customer.
Si Jinkee rin ang namamahala sa building nila ni Manny sa General Santos City na maraming tenant.
Dahil sa atraso
INDIE PRODUCER HINAHANTING NG CELEB-BUSINESSWOMAN NA SI YVONNE BENAVIDEZ
HINDI biro ang magtiwala ka at magpautang lalo na kung hard earned money mo ito, kaya galit na galit ngayon ang Mega-C owner at nag-aartistang si Yvonne Benavidez sa umutang sa kanya ng halagang P350K na si Jose Olinaris a.k.a Jay-Ar Rosales ng Active Media Events at isa sa producer ng indie movie na “Men In Uniform.”
Ang taga-DWBL daw na si Elsa Dioneda na pinagtataguan na rin siya ang guarantor dito kay Jay-Ar kaya niya ito pinahiram. Bale 100K pa lang ang naibabayad nito kay Madam Yvonne dahil nag-bounce ang lahat ng mga inisyung tseke. Kaya raw naengganyo itong si Madam Yvonne na pautangin itong si Jay-Ar ay dahil sa magandang offer at matatamis nitong salita na bukod sa investor siya ay isasama siya sa pelikulang “Men In Uniform” na dinirek ni Neil “Buboy” Tan. Tutubo pa ng 15 percent ang P350K niya na payable in three months at bawat ticket sa special screening nationwide ay may Mega-C blister na 10 capsules na kikita siya ng P35.000 in every ticket. Tapos sila pa ang official Vitamin ng “Men In Uniform.”
Wala raw natupad sa mga ipinangako sa kanya maliban sa paglabas niya sa pelikula na gumanap siyang General at naka-eksena sina Rommel Padilla at Rayver Cruz.
At para makabayad lang itong si Rosales na radio broadcaster at indie film producer ay hindi na nag-demand pa ng interest si Madam Yvonne na kung tutuusin ay P507,500 ang dapat nitong i-settle na ang sinisingil na lang sa kanya ng businesswoman-character actress ay P250K. Tinawagan daw ni Madam Yvonne si Direk Buboy pero ayaw raw nitong makialam sa issue. Hawak ng negosyante ang lahat ng ebidensiya kaya walang lusot dito si Jay-Ar Rosales. Dapat ay makipag-ugnayan na siya agad kay Madam Yvonne at sa legal counsel ng negosyante.
DAGSA ANG MGA SUMASALI SA ‘THE BEST ANG NANAY KO’ SA EAT BULAGA
SA mga anak na may maise-share na kuwento tungkol sa kabutihan ng kanilang Ina, ay tuloy-tuloy lang ang pagpo-post ninyo sa #ThEBestAng-NanayKo na kuwento. I-share n’yo na kung bakit the best ang nanay mo. Post a photo of your mom at ang kuwento mo sa Facebook or Instagram with the hashtag: #ThEBestAngNanayKo at i-tag ang Eat Bulaga sa Facebook. Puwede rin na i-post sa comment box or sa Instagram @eatbulaga1979. Ang mapipili na kuwento ng Dabarkads ay ipo-post sa EB Facebook Fanpage at makatatanggap ng sorpresa mula sa Eat Bulaga!(Sa mga Dabarkads na magshe-share ng kanilang kuwento, make sure na naka-public ang inyong post. Ang “The Best Ang Nanay Ko,” ay pagkilala ng Eat Bulaga sa mga Best Moms, para sa pagdiriwang ng Mothers Day.
Comments are closed.