BOXERS VS GENDER STATUS IPINAPA-BAN SA 2028 OLYMPICS

MAGHAHAIN ng ma­tinding petisyon sa International Olympic Committee (IOC) si Golden Boy boxer na si Oscar De La Hoya para ipa-ban ang dalawang boxer na may gender status na pina­lahok pa rin sa Paris 2024 Olympics.

Base sa ilang ulat ng news agency, tinukoy ni De la Hoya sina Imane Khelif ng Team Algeria at Lin Yu-Ting ng Team Taiwan na kapwa nakasungkit ng medalya ngunit sinasabing may ‘Y chromosome’ na natatagpuan lamang sa kalalakihan.

Ayon kay De la Hoya, kailangang ang patas na re­gulasyon ma­tapos ang press confe­rence ng International Boxing Association (IBA) kung saan isiniwalat na sina Khelif at Yu-Ting ay lalaki at hindi babae.

Magugunita na ang dalawang boxer na may  isyu ng gender status ay kinumpirma ng IOC na maaring lumahok wo­men’s competition sa 2024 Olympics Games dahil sa kanilang passport subalit dinis-qualify ng IBA sa World boxing Competition dahil sa natuklasang may ‘Y chromosome’.

“I am an Olympic Gold Medalist. I am very proud of that fact,” pahayag ni De La Hoya kung saan idi­nagdag pa nito na “what the f****is going on in Paris 2024 where 2 biological men are competing against biological women in the sport of boxing?”

“The IOC allows this to happen and they are saying it’s ok because they are females on their passports, What? are you kidding me?, ” giit pa ni De La Hoya.

Sinabi pa ni De La Hoya, “it’s disgusting and it’s unfair. I have lost all my respect for the IOC. It’s dangerous, and someone will eventually get hurt. It’s truly insane. I hate that we have to discuss it.”

“I will be petitioning the IOC to ask that this doesn’t happen in LA in 2028 Olympic,” pahayag pa ng Golden Boy na si De La Hoya.

Magugunita na si De La Hoya ay sinasabing malakas ang impluwensya sa boxing program sa Los Angeles.

MHAR BASCO