BOXING, BASKETBALL TAMPOK SA PSA FORUM

psa

DALAWANG sports events na magiging tampok sa huling buwan ng taon ang papagitna sa online session ng Philippine Sportswriters Association (PSA) Forum ngayong Martes, Nov. 30.

Magiging panauhin sina Carl Jammes Martin at dating amateur standout Charly Suarez sa boxing side sa 11 a.m. public sports program, habang tatalakayin ni WNBL Executive Vice President Rhose Montreal ang Season 2021 finals ng nag-iisang women’s professional basketball league sa bansa.

Si Martin, tinaguriang ‘Wonder Boy’, ay magtatangka sa Philippine super-bantamweight crown laban kay reigning champion Mark Anthony ‘El Heneral’ Geraldo sa December 4 sa Elorde Sports Complex.

Si Suarez, isang three-time Southeast Asian Games gold medal winner, ay lalaban sa undercard kontra fellow undefeated Delmar Pellio.

Sa second part ng Forum ay sasamahan si Montreal ng mga kinatawan ng finals protagonists Paranaque Lady Aces at Taguig Lady Generals upang talakayin ang WNBL best-of-three title series simula sa Dec. 4 sa Bren Z Guiao Convention Center sa San Fernando, Pampanga.

Ang weekly session ay naka-livestream via PSA Facebook page fb.com/PhilippineSportswritersAssociation at isini-share din ng Radyo Pilipinas 2 Facebook page.