BOY ABUNDA, ALDEN RICHARDS NAPIPISIL PARA MAG-ENDORSO NG BAGONG KAKAMPI NG BAYAN

BOY ABUNDA

NAPIPISIL ng bagong lunsad na tinatawag na “bagong kakampi ng bayan” ang King of Talk na si Boy Abunda para mag-endorso ng security alarm system dahil naniniwala sila sa kredibilidad at magandang image ng TV host.

May nag-suggest din na bagay rin daw ito kay Alden Richards bilang “Victor Magtanggol” at akmang-akma sa ginagawang teleserye ngayon ng Pambansang Bae.

ALDEN RICHARDSNakatutuwa na malaman na mayroon nang pinagpipilian sa ating mga celebrity tulad ni Boy at Alden na mag-endorso ng isang tulad ng mekanismo na magbibigay seguridad sa ating mga mamamayan, ang MiGuard. Hindi lang nabanggit kung kasali rin sa napipisil si Cardo Da­lisay (Coco Martin).

Gaano ba ito kahalaga ngayon?

Dahil kaliwa’t kanang krimen sa bansa, marami ang nababahala  sa seguridad ng kani-kanilang pamilya. Wala na kasing maituturing na ligtas na lugar sapagkat ilan sa mga krimen ay nangyayari mismo sa loob ng tahanan.

Batay sa istatistikang inilabas ng Philippine National Police (PNP), nasa kabuuang bilang na 1,040, 987 ang naitalang krimen mula noong taong 2016 hanggang 2018.

Nasa bilang na 19,210 ang pinatay sa panahong ito samantalang mahigit sa 50,000 kaso naman ng pagnanakaw ang naitala.

Ang kalunos-lunos na report ayon sa Center for Women’s Resources, isang babae o bata ang nagiging biktima ng panggagahasa kada oras sa ating bansa.

Kaya upang makatulong sa pagsugpo sa laganap na krimen sa bansa, isang makabagong teknolohiya para sa seguridad at kaligtasan ang hatid ng Green Energy para sa sambayanang Filipino, ang MiGuard Security Alarm System.

Kalakip dito sa isang premium package ang ilang aparato na idinisenyo upang mapigil ang iba’t ibang krimen na posibleng maganap sa kanino mang tahanan.

Kasama sa MiGuard Security Alarm System Premium Package ang mga sumusunod na aparato: pan &tilt HD IP camera, motion detector, door sensor, SOS button, medical button, gas detector, water leak detector, smoke detector at remote controls.

Tiyak na hindi magdadalawang-isip alinman kina Boy Abunda o Alden Richards na i-endorso ang bagong kakampi ng bayan na ito dahil mismong sila ay ma­ngangailangan nito. Una, maraming pro­perty si Boy na tiyak na lalagyan niya ng mekanismong ito.

Misyon ng MiGuard na mabigyan ng proteksiyon ang bawat Filipino lalo na sa krimen. “Nanindigan kami sa aming tagline na We Want You Safe,” pahayag ni MiGuard President Manuel Siquian Jr.

“Hindi lamang mga mahal ninyo sa bahay ang nais naming proteksiyonan, pati na rin inyong tahanan. Para maiiwas ito sa sunog,  problema sa baha na problema ng mga marami na­ting kababayan sa tuwing tag-ulan,” dagdag pa ni Mr. Syquian.

“Para sa anumang kaso ng emergency, particular sa Quezon City ay mayroon na tayong 24/7 na command center na tutugon sa kailangan na tulong sapagkat tayo po ay may ugnayan sa PNP, Bureau of Fire and Protection at mga pampublikong ospital sa lungsod. Ang aming misyon ay makapagbigay ng kahalintulad na serbisyo sa buong bansa sa mga darating na panahon,” pagtatapos niya.

Para sa inyong katanungan at dagdag pang kaalaman ay maaari ninyong tawagan ang kanilang hotline number sa 717-9806 o bumisita lamang sa kanilang website sa www.miguard.net.

Namataan din sa naturang launching ang dating That’s Entertainment member na si Raeyan, vice president for sales.  Humarap din sina Manuel Siquian, Jr., president at Axel Craig Frencillo, account manager.     EVELYN DIAO

Comments are closed.