BOY ABUNDA AYAW SUMAWSAW SA ISYU NI KRIS AQUINO

BOY ABUNDA

PINUNA ng isang blogger ang pananahimik ng Asia’s King of Talk na si Boy Abunda at Vice Ganda sa reflectionkontrober­syang kinasasangkutan ng webstar na si Kris Aquino. Pansin niya ang pananahimik ng dalawang talk show host at pag-iwan nila sa ere kay Kris.

Pero marami sa industriya ang nagtanggol kina Kuya Boy at Vice. Tila nais pa yata ng naturang blogger na “makisawsaw” si Kuya Boy sa isyu nu’ng dalawa.

Sorry, but that’s not Kuya Boy’s cup of tea, ang makisawsaw.

Besides, sa sobrang kabisihan ni Kuya Boy, baka wala siyang ideya sa pinakaugat ng away nina Tetay at Greta. Wala siyang time para subayba­yan ang dalawang girian nilang dalawa sa social media.

According to a source, may taon na raw na ‘di nakikita ni Kuya Boy sina Kris at La Greta. Bagaman paminsa-minsan ay nagte-text daw si Kris sa kanya ‘pag mayroong itatanong sa kanya. ‘Yan ay sa kabila nang dinawa ni Kris na pagtanggal sa kanya bilang agent niya for her endorsements.

KRIS LAGING NAGBABABU SA KANYANG MANAGERS

BASE sa inilahad ni Nicko Falcis sa kanyang affidavit, ipinaalam daw ng dating Queen of All Media na ngayon ay tinatawag na siya bilang webstar sa social media  na kailangan niya ng bagong talent agent.

Hindi na raw siya nire-represent ng dalawa niyang dating talent agents na nagha-handle ng kanyang TV/movie career and endorsement contracts.

Obviously, ang tinutukoy ni Kris dito ay ang dati niyang manager at ABS-CBN executive na si Deo Endrinal. Habang si Boy Abunda naman ang agent niya for endorsements.

In fairness kina Deo at Kuya Boy, si Kris ang umalis sa kanilang pangangalaga. May tsika na nakarating sa amin na deeply hurt daw si Deo nu’ng biglang kalasan siya ni Kris.

And for Kuya Boy, never naman trineat ng King of Talk na ‘kliyente’ si Kris kundi isang kaibigan na tinutulungan niya. For the record, walang naba­litang anomalya or isyu sa komisyon ang kumalat nu’ng si Kuya Boy pa ang nagha-handle ng mga endorsement ni Kris.

Sa ilang kuwentuhan namin ni Kuya Boy in the past, nababanggit niya sa amin na diretsong nakukuha ni Kris ang TF niya sa kanyang endorse-ments.

So nu’ng kumalas na si Kris kay Kuya Boy, malinis na nai-turn-over niya lahat ng record and documents ng mga endorsement sa kanya ni King of Talk.

During Deo’s time naman bilang manager ni Kris, ‘di na kaila­ngang sabihin pa ang mga nagawa nito sa kanyang career for  her sa loob ng 22 years.

After Deo, lumapit si Kris sa generous, kind and soft-spoken na si Tony Tuviera.  Si Tony, or  Mr. T sa mga ka-close niya sa showbiz, ang nagma-may-ari ng Triple A kung saan pumirma ng managerial contract si Kris. Siya rin ang president and  CEO ng APT Entertainment.

But according sa affidavit ni Nicko, ilang buwan lang daw ang lumipas at napabalitang umalis na si Kris sa Triple A sa hindi malinaw na dahilan.

Ang basa namin d’yan, baka na-disappoint si Kris dahil ‘di naman siya nakagawa ng show sa alinmang TV network at nainip. Kaya may-I babu agad siya sa Triple A.

Magkagayunman, dapat ay nirespeto ni Kris ang pinirmahan niyang kontrata sa Triple A at ‘di ‘yung iniwan niya sa ere si Mr. T/Triple A. Kaya kung masama man ang loob sa kanya ni Tony hanggang ngayon, maiintindihan namin.

And then, kinuha naman niya si Erickson Raymundo ng Cornerstone para i-manage ang kanyang career. But ‘wag mag-taka if one of these days ay biglang ‘di na rin si Erick ang manager ni Tetay.

Comments are closed.