BUMILIB ang Asia’s King of Talk Boy Abunda sa pagpapakumbaba ng kanyang talent sa Asian Artist Agency, Inc. na si Christian Bables sa dati nitong mentor at direktor na si Jun Lana. Napakasaya ni Kuya Boy sa pagbabati nina Direk Jun at Christian.
“Tama lamang na he humbled himself. Tama lamang na nag-apologize siya.
Parang mga older brother niya ‘yun, e. At saka doon siya nagsimula. Doon siya nagkaroon ng kulay at nagkaroon ng pakpak. Give it naman to all of them. It all took was that moment,” lahad ni Kuya Boy.
Napakaganda para kay Kuya Boy ang ginawa ni Christian, walang plano at nagkataon na naroon sila nina Direk Jun at Perci sa media launch ng ikalawang Pista ng Pelikulang Pilipino.
Nakuwento rin ni Kuya Boy ang sinabi ng isa sa mga kaibigan niya at nagtanong kung bakit kailangang lumuhod pa ni Christian kay Direk Jun.
“Sabi ko, kung ‘yun ang kanyang expression of asking for forgiveness, bigay mo naman. Totoo ‘yun. Let’s give it to me. Nagpakumbaba ‘yung tao, e. And I’m just happy. I’m really happy. Dapat masaya tayo kapag may mga taong nagkakaayos. We should be happy,” esplika niya.
Kaya rin daw tuwang-tuwa si Kuya Boy dahil alam niya that Christian is a wonderful boy at napaka-bukas ng kaluluwa.
“May mga hindi sila pagkakaunawaan. But the fact that he recognized and he embraced, ah, whatever mistakes he committed, gusto ko ‘yun. At saka nakita ko rin ‘yung ngiti ni Jun Lana.Jun is also the type na kapag tapos, tapos. May closure, you know. He is a wonderful person.”
All set na rin ang ikalawang Boy R. Abunda Talks (BRATS) ni Kuya Boy focusing on Mental Health Stories (Let’s talk about them openly and kindly) sa pakikipagtulungan ng Make Your Nanay Proud (MYNP) Foundation Inc., GSIS PGM Atty. Jesus CLint Aranas, BEAUTeDERM, M.E Sicat Construction, Hotel Sogo, Orange Blush Salon, at BARLICO – The Healthy Brew.
Gaganapin ang ikalawang BRATS sa SEDA VERTIS North Hotel, Astra Corner Lux Drive, Vertis North, Quezon City on July 25, Wednesday, 7 to 11 pm.
Confirmed speakers are Miss international 2016 Kylie Versoza, actress and model Jasmine Curtis Smith, actress and screen writer Bela Padilla, NGO advocate Quennie Maravillas and student Nykko Bautista.
o0o
BINIGYAN ng send-off media conference ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) headed by Chairperson Liza Dino ang anim na Pinoy films na ipi-feature sa New York Asian Film Festival (NYAFF).
Ang anim na pelikulang tampok sa NYAFF ay ang “BuyBust” at “On The Job” ni Erik Matti, “Neomanila” ni Mickhail Red, “Respeto” ni Treb Monteras, “Sid & Aya (Not A Love Story)” ni Irene Villamor at ang “We Will Not Die Tonight” ni Richard Somes na kasali rin for this year’s Pista ng Pelikulang Pilipino ng FDCP na magsisimula sa Agosto 15 hanggang 22.
“With these incredible genre films that we have from our country, the Philippines could really be a hub of genre filmmaking. We are very proud na sa pamamagitan ng NYAFF they have found a platform so they may be accessed by North American audience pati na mga kababayan natin na nakatira doon,” pahayag ni FDCP Chair Liza.
Binigyan ng assistance ng FDCP ang mga delegate through their International Film Festival Assistance Program (IFFFAP). Looking forward si Chair Liza na magkaroon ng connection ang ating local filmmakers sa kanilang international counterparts for future projects and collaborations.
Comments are closed.