NAGDIWANG ang Asia’s King of Talk na si Boy Abunda ng kanyang kaarawan sa Amerika last October 29. Kasama niya siyempre ang kanyang long-time partner at Pagcor executive na si Bong Quintna.
Nag-host kasi si Kuya Boy ng Ten Outstanding Filipino Awards (TOFA) 2018 held at the Carnegie Hall sa New York. Kaya diretso bakasyon na rin siya doon. Since naroon na rin lang si Kuya Boy, sinulit na niya ang pagpunta doon.
So, weeks ahead ay nagsimula nang “mag-ipon” ng episodes si Kuya Boy for “Tonight with Boy Abunda” and “The Bottomline” na parehong winner sa nakaraang 32nd Star Awards for TV.
Nanalo rin si Kuya Boy bilang celebrity talk show and public affairs host.
Isa sa mga na-tape na niya na episode ay ang birthday celebration ng Star For All Seasons na si Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto sa “The Bottomline” na ipalalabas sa ABS-CBN this Saturday, November 3.
On that interview with Cong. Vi, inamin ni Kuya Boy na may natutunan siya sa actress/politician.
“Yes, according to her, you have to allow younger blood to come in, you have to allow a new perspective to come in, you know, for this business to continue and to survive, kailangang-kailangan meron tayong humility to say na, ‘We’re not going to be here forever.’ We’re not Vilma Santos. Kasi si Vi talaga, iba. I mean, look at her stature,” pahayag ni Kuya Boy.
Hindi lang namin sure kung sasamantalahin na rin ni Kuya Boy ang pagkakataon habang nasa US sila ni Sir Bong ay maisip nila na magpakasal na rin doon.
Although, noon pa man ay paulit-ulit ng sinasabi sa amin ni Kuya Boy na wala silang balak magpakasal ni Sir Bong.
“Hindi, but I fight for the right of marriage. I fight for marriage equality. Bong and I are okey. We fixed our lives. Alam ko wala pang mga batas pero inayos na namin ang buhay namin.”
Ibig kayang sabihin nito, just in case something happened to anyone of them, may nakahanda na mga dokumento para sa lahat ng karapatan nang maiiwan to take care of his partner?
Pero, bukas pa rin naman daw si Kuya Boy sa posibilidad na ikasal sila ni Sir Bong.
“Hindi ko alam,” pagdududa niya. “If it happens in my lifetime, bakit hindi? Pero nakokornihan kasi kami ni Bong nu’ng ceremony. Parang nako-kornihan kaming dalawa na after living together for 40 years, e, kami ikakasal. Baka we’ll go for a civil ceremony, ganoon. Pero ‘yung, baka magka-tawanan lang kami. Pero I will die and fight for the right of marriage for the LGBT.”
Proud naman na nabanggit ni Kuya Boy na niregaluhan siya ni Sir Bong ng isang Christian Dior.
We’ll try to ask Kuya Boy pagbalik niya ng Pinas kung bag ba ‘to, set of clothes, pair of shoes, watch or kung ano’ng klaseng Christian Dior ang regalo sa kanya ni Sir Bong.
Anyway, simula na nu’ng Lunes ang last part ng month-long birthday ang victory celebration ni Kuya Boy sa TWBA kung saan si Vice Ganda ang nag-interbyu sa kanya. Marami pala silang pagkakapareho ni Vice at isa na rito ang pagreregalo ng rubber shoes sa guy. And mind you, ‘di lang isang pair ng rubber shoes, huh.
Again, happy, happy birthday to the most sincere and generous person na nakilala namin sa showbiz industry.
May your tribe increase, Dr. Boy Abunda!
Comments are closed.