BOY ABUNDA WAGI SA BINUONG SERYE PARA MAGBIGAY INSPIRASYON SA TAO

BOY ABUNDA

OVERWHELMED ang Asia’s King of Talk Boy Abunda sa success ng unang Boy R. Abunda Talk Series reflection(BRATS). Binuo ni Kuya Boy ang BRATS dahil gusto nilang i-encourage ang mga tao na maglahad ng kuwento at makinig. “Because we want to remind people that you can tell your story. You can inspire. You can empower and you don’t need to ask anybody’s permission.  When you want to become a better person, when you want the world to become better, you don’t need anybody’s permission,” pahayag ni Kuya Boy.

They want to cover stories, ‘yung tipong from pain to wisdom, talo na panalo ka.

“‘Yung from being a victim to becoming a victor. From being a big shit, to becoming a big shot.”  Nakakarelate raw kasi si Kuya Boy sa ganitong mga kuwento.

“Gusto ko ‘yung karanasan na kapag ako ay nakapanood na ng talks na ‘to aalis ako na hopeful. Na inspired at empowered. Na parang ang lakas-lakas ng loob ko. Pagkatapos nang pinagdaanan nila, parang kaya ko rin ‘yun.  At saka hindi lang pala ako mag-isa. So, that’s what BRATS is all about.”

Inspired daw sa iba’t ibang talk conferences ang BRATS gaya ng TED (Technology, Entertainment, Design) Talks kung saan isa siya sa mga speaker.

May Gel Conference (a New York-based conference series), Big Think, Ideas City (Canada-based) at Ignite kung saan you make to use 20 slides. Na habang nagsasalita ‘yung speaker, ‘yung slides will only stay for five seconds at kailangan magkuwento in 60 seconds.

Nu’ng gabing kausap namin si Kuya Boy, lumabas ang balitang nagpakamatay ang kilalang chef-turned-host na si Anthony Bourdain. And that time, sad pa ang marami sa pagkamatay ni Kate Spade.

Sa magkasunod na pagpapatiwakal nina Kate at Anthony, nais ipaalaala ni Kuya Boy na okey ang technology at gadgets but they should be treated as tools. Huwag kalimutan na it’s a wonderful experience to see people na nakikipag-interact.

“Ngumiti, ‘yung squirm, ‘yung squint sa mata, ‘yung hawak, ‘yung halakhakan na live, ‘yung hug, ‘yung personal na interaction. Huwag nating kalimutan (‘yan) dahil doon natin mababasa kung ano ang pinagdadadaan ng kapuwa especially sa depression because we have to look for signs. We have to identify signs, na hindi natin mahawakan at hindi natin maiintindihin sa emoticons o sa exclamation points.”

Sa pangalawang serye ng BRATS ay pag-uusapan ang tungkol sa LGBTIQA. May nakuha na raw silang expert to discuss all about this “controversial” theme.

“If you know of some millennials, ‘yun ang ating gagawin para once and for all, pati ako, maintindihan natin ano ba talaga ang LGBTIQA. Meron nga ngayong bago na naman, ‘yung fury at saka hetero-flexible,” sabi niya.

Sa ngayon, wala pang sinasabi si Kuya Boy kung gagawa rin siya ng libro for

BRATS gaya ng ginawa niya sa isa pa niyang adbokasiya, ang  ‘Make Your Nanay Proud.’

“Malayo ‘yun. Hindi ko alam. Sabi ko nga kanina.  Where is this gonna go? I don’t know. Pero alam ko lang ang pupuntahan nito mabuti. Where this is gonna go is a good place. Alam ko ‘may pupuntahang maganda at mabuti,” pagtatapos niya.

Comments are closed.